Senior Citizen's office sa NAPC pinalulusaw para tipid | Bandera

Senior Citizen’s office sa NAPC pinalulusaw para tipid

Jan Escosio - July 04, 2025 - 09:32 PM
Senior Citizen's office sa NAPC pinalulusaw para tipid

Ipinanukala ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pagbuwag sa Senior Citizens Sectoral Council na nasa ilalim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Ikinatuwiran ni Ordanes  sa inihain niyang House Bill 783 na ang mandato ng naturang konseho ay bahagi na ng responsibilidad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Paliwanag ng mambabatas nilikha ang NCSC base sa Republic Act 11350 at isa sa mga mandato nito ay iangat ang uri pamumuhay ng mga edad 60 pataas na nasa laylayan ng lipunan.

Baka Bet Mo: Mag-asawang senior citizen binaril, inakalang mga mangkukulam

Naniniwala ito na mas maging madali, mabilis at epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng senior citizens kapag naisabatas ang kanyang panukala.

Aniya ang mga maaapektuhang kawani ng NAPC-SCSC ay bibigyan ng mga nararapat na benepisyo.Samantalang, ang natitirang pondo ng konseho, ay ibabalik sa National Treasury.

Nais din ni Ordanes na maamyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act  8425, na lumikha sa NAPC-SCSC, upang mas maging malinaw ang depinisyon ng “disadvantaged sectors” na kinabibilangan ng senior citizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending