Ex-celebrity couple muling nagkakausap, magkakabalikan nga ba?

HOW true na nagkakapalitan na ng mensahe ngayon ang ex-celebrity couple?
Ito ang tsika sa amin ng taong dikit sa ex-couple na nagsimula sa kumustahan, ano ang ginagawa nila sa ngayon, kumusta ang shootings/tapings.
May mga pinag-uusapan na rin daw personal pero hindi binanggit sa amin ng taong dikit kina ex-couple kung ano iyon pero ang napapansin niya ay seryoso raw ang aktres.
At kapag kasama naman ng taong kausap namin ang ex- boyfriend ay seryoso rin ito at parang may irita factor pa.
Baka Bet Mo: Ex-celebrity couple naghiwalay dahil masyadong demanding si girlash
Sabi pa sa amin, “uy, lolo (aktor) mo ha, never nag-dyowa after nilang magdyiwalay ni (aktres). Wala nga ring dine-date, puro kaibigan kasama at sa bahay lang sila inon-inom.”
Ang aktres ay nababalitang may boyfriend na ito pero wala namang naniniwala dahil walang pormal na pag-amin.
“Tinanong ni (aktor) si (aktres) tungkol do’n sa dyowa raw, hindi naman daw sila. Hanging out lang daw,” sabi pa ng taong dikit sa ex-couple.
E, di ba doon naman nagsisimula ang lahat sa hanging out bago maging seryoso.
“E, hindi naman daw seryoso si (aktres) enjoy lang siyang kasama at kausap,” sagot sa amin.
Ganyan na talaga ang uso ngayon sa mga Gen Z, hanging out-hanging out.
Anyway, tsika pa ng taong dikit sa ex-couple, “sana magkaroon na ulit ng linaw kung para saan ang palitan nila ng message kasi pansin ko naman mahal nila pareho pa.”
Balik-tanong namin sa aming kausap kung kilala niya ang ka-hang out ng aktres, “kilala naman, pero siyempre alam mo na.”
Loyal kasi ang taong kausap namin sa ex-couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.