Maris Racal 'di pinangarap mag-artista, thankful na nakinig sa ina

Maris Racal ‘di pinangarap mag-artista noon, thankful na nakinig sa gusto ng ina

Reggee Bonoan - July 04, 2025 - 03:58 PM
Maris Racal 'di pinangarap mag-artista noon, thankful na nakinig sa gusto ng ina

Si Maris Racal ang tumupad sa pangarap ng nanay niyang maging artista.  Ito ang pagtatapat ng isa sa Kontraks ng seryeng “Incognito” sa panayam nito sa YouTube channel ni Karen Davila  na in-upload kahapon, Huwebes ng hapon.

Bungad ng aktres, “Sobrang simple lang ng buhay ko dati, hindi ko talaga pinangarap maging artista .  Nanonood lang ako ng TV, mahilig akong manood ng ASAP kasi Sunday ‘yun, (saka Love Spell episode features ‘My Boy, My girl noong 2006) nila KimeRald (Kim Chiu at Gerald Anderson) ganu’n akong bata eversince.”

Ayaw pala talaga ni Maris ang mag-artista.

“Actually, hindi ko ginusto (mag-showbiz) at all or I didn’t wish for it. It was just my mom (Leony Racal) frustrated performer.  Sa Cebu kasi maraming mga pageantry gusto niyang mag-perform sa stage, gusto niya nasa harap siya ng mga tao.

Baka Bet Mo: Maris Racal napaiyak sa finale presscon ng Incognito: It saved me!

“What she would do, she would hijack (tawang-tawa) the rehearsals, ‘part ako, part ako’ (sabi raw ng ina) in Bisaya kahit hindi.  Aaralin niya ‘yung choreography on her own kasi hindi naman alam ng mga tao kasi ang dami nilang magpe-perform and she’s a Noranian, nai-inspire siya kay Nora Aunor kasi nire-represent siya, she would always say na, ‘ang galing-galing niya mahal na mahal siya ng tao.’

Sa Pinoy Big Brother (PBB) All In noong 2014 na-discover si Maris.

“It was a Saturday, kakatapos lang ng finals pagod na pagod ako (at) may nakita siyang billboard na auditions for PBB, hinila niya talaga ako sa bed at sinabi, ‘mag-audition ka na!’  Sabi ko, ayaw ko hindi ako natatanggap!  As in nag-away talaga kami. Tapos tumahimik na siya (nanay niya) nag-give up na siya, it was 7AM.

“’Yung ate ko ang tumawag sa akin na, ‘Maris lagi mo na lang inaano (sinasagot) si mama, pinapa-audition ka niya hindi mo siya pinapansin.  Pagbigyan mo na, ito lang tapos wala na siyang masasabi sa ‘yo kasi ginawa mo na ‘to!” balik-tanaw ng aktres and the rest is history.

Tanong ni Karen kung naging madali ang pagsikat ni Maris.

“No! Hindi.  Paglabas ng Bahay ni Kuya akala ko uwi na ako sa Davao para mag-college and then biglang umulan na ng blessings pero paunti-paunti ‘yun, misan ay projects, minsan wala,” diing sabi ng aktres.

Inaming P6,000 kada taping ang bayad sa kanya samantalang si Karen ay nagsabi ring P5,000 naman siya sa news.

Tanong ni Karen kung ano ang ginawa ni Maris sa P6,000 na kita niya per taping.

“Pambayad ng rent, ang mahal kaya ng rent sa Manila nakakabaliw!  For someone na nagsisimula ka lang?  Ang mahal ng rent sa Manila nu’ng bago ako 11 years ago.  ‘Yung eldest ate ko at second eldest and me kami ‘yung nag-relocate from probinsiya living, wala kaming connections dito, wala kaming kilala, wala kaming relatives, so, kami-kami lang talaga.  Si ate ‘yung driver ko at si ate Tin ‘yung hair and make-up/stylist ko,” natatawang kuwento ni Maris.

Hindi naman daw nagsisisi si Maris na nag-artista siya kundi mas lalo raw niya itong Minahal ng husto ngayon.

“Pag nasa probinsya ka kasi feeling mo imposible ‘yung showbiz world.  Kung hindi ko pinansin ‘yung opportunity na ‘yun, ibang-iba ang buhay ko ngayon, Karen.  Buti na lang talaga pinakinggan ko ‘yung nanay ko kasi I love acting sobrang nabubuhay ang dugo ko ito pala ang passion ko, dito pala ako masaya,” kuwento ng aktres.

“It’s a fast career, I’m watching you in Incognito, you’re running in a bathing suit in the cold, that’s courage!” natawang sabi ni Karen.

Tawang-tawa rin si Maris habang ipinakita ang video na tumatakbo siya na naka-panty at bra lang.

“Courage ‘yun, oo,” sabi rin ni Maris.  “Nakakatawa nga ‘yung story no’n, eh kasi gusto nila, ‘puwede kang mag cycling ha’. Sabi ko, ‘ay hindi lalaban ako, itodo na natin ‘to ha, ha, ha.”

Samantala, sa kabila ng unti-unting pag-ingay ng pangalan ni Maris Racal at nakatanggap na rin ng iba’t ibang citations at awards ay inamin nito kay Karen na kamuntikan na niyang sukuan ang showbiz career.

“Yes (and), well I think you know, ha, ha, ha,” tumawang sagot ng dalaga.

“May pinagdaanan ka na it was extreme?” tanong ni Karen na sinang-ayunan naman ni Maris.,

“And you wanted to give up?” balik-tanong ni Karen,

“Yes, I wanted to give up because I was asking myself na para saan ‘to lahat? Is it all worth it? Like is this worth my peace?” seryosong sagot ng aktres.

Pero biglang kambyo, “Pero mga 2 hours lang ‘yun, ha, ha, ha.  Kasi wala ka namang choice kundi labanan lahat ng pagsubok.”

Alam naman ng publiko kung ano ang matinding pinag-daanan ni Maris at ito ay ‘yung pakikipaghiwalay niya sa dating boyfriend na si Rico Blanco at ang pagiging third party niya sa relasyon ni Anthony Jennings sa karelasyon nitong si Jamella Villanueva sa loob ng pitong taon.

Sa kasalukuyan ay parehong hiwalay na si Anthony kina Maris at Jamella.

Pero magkasama naman sina Jennings at Racal sa “Incognito” at hindi halatang may bagyo silang dinaanan base sa mga eksena nilang dalawa lalo na sa kuwentong ikinasal sila.

Going back to Maris ay inamin din naman nito sa Final Mission mediacon ng “Incognito” na isinalba siya ng programa dahil ito ‘yung panahong dumaranas siya ng depression/anxiety dahil sa mga maling desisyong pinasok niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, ilang gabi na lang at mamaalam na ang Incognito kaya’t may mga sepanx na ang Kontraks na kinabibilangan nina Maris, Anthony, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneraccion, Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending