Presyo ng mga bilihin tumaas ng 1.4% ngayong Hunyo, naitala ng PSA

BAHAGYANG tumaas sa 1.4 percent ang inflation o presyo ng mga bilihin noong buwan ng Hunyo, base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay Civil Registrar General Dennis Mapa, ito ay mula sa naitalang 1.3 percent noong Mayo.
Aniya, ang mga pangunahing nakapag-ambag sa mas mataas na inflation ay ang singil sa tubig, kuryente, gas, at mga bayarin sa bahay.
Bumagal naman noong nakaraang buwan ang paggalaw ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.
Baka Bet Mo: John Arcilla napamura sa patuloy na taas-presyo ng bilihin sa Pinas
Gayunman, ang mga pangunahing nakapag-ambag sa food inflation ay ang presyo ng mga karne, produktong-dagat, at prutas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.