Rodrigo Duterte sa girlfriends: Maghanap na kayo ng boyfriend

Rodrigo Duterte sa mga girlfriends: Maghanap na kayo ng ibang boyfriend

Therese Arceo - July 04, 2025 - 07:08 AM
Rodrigo Duterte sa mga girlfriends: Maghanap na kayo ng ibang boyfriend

BINIGYAN na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng blessing ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avanceña pati na rin ang iba pa niyang girlfriends na humanap ng bagong mamahalin.

Sa isang interview ay ibinahagi ng kanyang anak na si Davao City Rep. Paolo Duterte ang mensahe ng kanyang ama matapos niya itong bisitahin.

“Sa mga girlfriend o lahat ng common law wife ko—lahat kasi ng jowa niya tawag daw niya common law wife, 13 sila lahat—maghanap na kayo ng ibang boyfriend. Siguruhin ninyo yung malaki ang credit card,” pag-quote niya sa sinabi ng ama.

Ang kanyang long-time partner na si Honeylet ang kinikilalang common law wife ng dating pangulo matapos ma-annul ang kasal nila ng dating asawang si Elizabeth Zimmerman noong 2000.

 Baka Bet Mo: http://Nanay lang ni VP Sara ang ‘legal wife’ ni Rodrigo Duterte: Matalino talaga!

Ang pahayag ay may kaugnayan sa matagal na niyang pananatili sa kustodiya ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Matatandaang hinuli noong Marso si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity dahil sa kanyang pinatupad na war on drugs.

Chika pa ni Paolo, nagulat raw ang kanyang ama matapos niyang malaman na ibinibenta ni Honeylet ang kanyang bahay sa Matina district.

Samantala, sa ngayon ay wala na ang “Lot for Sale” signage sa naturang bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending