Dustin Yu aminadong pinagselosan si Will Ashley

Dustin Yu aminadong pinagselosan si Will Ashley

Therese Arceo - July 03, 2025 - 09:15 PM
Dustin Yu aminadong pinagselosan si Will Ashley

INAMIN ng Kapuso actor na si Dustin Yu na nakaramdam siya noon ng selos sa kapwa aktor na si Will Ashley.

Ito ay noong mga panahong hindi pa malinaw sa kanya kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ng ni Will at ng kanyang ka-duo at nakapalagayan ng loob na si Bianca de Vera.

Sa kanilang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nabanggit ng Asia’s King of Talk ang ilang mga komento ng netizens patungkol  kina Dustin at Bianca.

Dito ay natanong na ang binata kung nakaramdam ba siya ng selos kay Will.

Baka Bet Mo: Zaijian Jaranilla nag-sorry sa fans nina Dustin Yu, Vince Maristela

“Nung hindi pa sa’kin clear ‘yung ano man ‘yung meron sila sa past, ‘yung medyo magulo pa, of course, yeah nagselos ako, naguguluhan ako Tito Boy,” pag-amin ni Dustin. 

Ngunit kalaunan raw ay na-realize niya na wala naman pala siyang dapat ikaselos matapos niyang makausap si Bianca at Will.

“Nung nag-usap na kami ni Will and nag-usap na rin kami ni Bianca na wala naman ako dapat pagselosan or intindihin or isipin or i-worry, of course hindi ko na ‘yun pinairal, naintindihan ko na ‘yun,” pagpapatuloy ni Dustin.

Matatandaang noong May sy nagkausap na sina Bianca at Will kung saan nagkasundo sila na piliin ang isa’t isa para maging duo upang maibalik ang closeness nilang dalawa noong nasa outside world pa matapos magkatrabaho sa “Unbreak My Heart”.

Tila hindi naging ok ang mga narinig ni Dustin dahil noong mga panahon na ‘yun ay vocal na siya kay Bianca tungkol sa nararamdaman.

Eventually ay napag-usapan naman na nina Dustin at Bianca ang kanilang sitwasyon at mas naintindihan ang bawat isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending