Barbie, Jak muling nagkaharap sa GMA Gala, nakapag-move on na?

MUKHANG tuluyan nang nakapag-move on ang dating magkasintahan na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
For the first time kasi, sila ay spotted na nag-uusap sa GMA Gala mula nang ianunsyo ang kanilang hiwalayan.
Ang picture ng dalawa ay ibinandera mismo ng kanilang home network sa Instagram na kung saan ay nakaupo si Barbie, habang nasa harap niya si Jak na nakatayo.
Ang caption pa sa nasabing post, “Look who crossed paths at Beyond 75! After some time apart, Jak Roberto walked up to Barbie Forteza and said hi.”
Baka Bet Mo: Jak Roberto na-insecure sa kasikatan ni Barbie Forteza kaya naghiwalay?
Matatandaang noong Enero, kinumpirma ni Barbie ang kanilang hiwalayan makalipas ang pitong taong relasyon.
Hindi man binanggit ang dahilan, sinabi niyang isa itong “beautiful goodbye.”
“Our relationship had to fall apart for better things to come,” pahayag pa ng aktres sa isang post.
Noong Hunyo naman, iginiit ng dalaga na mas pinipili niyang huwag pag-usapan ang kanilang nakaraan “out of respect for their relationship.”
Kung matatandaan, ang tambalang JakBie o BarJak ay unang nabuo sa indie film na “Laut” noong 2016.
Kalaunan ay nagtambal ulit sila sa ilang proyekto, kabilang na ang “Meant to Be” at “Kara Mia.”
Sa pitong taon nilang pagsasama, kinilig ang mga fans sa kanilang mga sweet moments sa YouTube channel ni Jak –mula sa mga romantic date hanggang sa palitan ng Christmas gifts.
Samantala, naging usap-usapan kamakailan ang tila dating rumors sa pagitan nina Barbie at Jameson Blake matapos mag-viral ang picture nilang magka-holding hands habang may nagpapa-picture na fan sa dinaluhan nilang charity run sa Pampanga.
Until now, wala pang reaksyon ang dalawa sa kumalat na litrato, pero sila ay magtatambal sa upcoming Netflix project na “Kontrabida Academy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.