
HOW true kaya ang nga kumakalat na chika sa social media na diumano’y may hindi pagkakaunawaan ang “Eat Bulaga” hosts na sina Maine Mendoza at Miles Ocampo?
Maraming mga matanglawin na netizens ang nakapansin na diumano’y hindi naka-follow ang asawa ni Arjo sa kanyang kaibigan.
Ngunit sa kabilang dako ay nananatili namang naka-follow si Miles kay Maine.
Ilang netizens nga ang tila nababahala dahil mukhang may alitan ang dalawa lalo na’t super close pa naman sila noon.
Baka Bet Mo: Maine Mendoza napa-throwback sa ‘Eat Bulaga’ audition: ‘A gift I’ll forever be thankful!’
Base sa chika, nagsimula raw ang hindi pagkakaunawaan nina Maine at Miles matapos ang kanilang Thailand trip.
May ilang netizens pa ang nagsasabing marahil ay hindi pinagsasama sa isang segment ang dalawa dahil sa kanilang tampuhan.
“Hi Miles. Legit dabarkads ako. Sana kung ano man issues or feud nyo ni Maine sana maayos nyo na. Dabarkads naman kayo sana ma patch up. Miss ko na tandem nyo sa Peraphy “ comment ng isang netizen sa post ni Miles two weeks ago.
Isang netizen naman ang sumang-ayon at sinabing, “halata naman may
feud sila saka dami na rin nakakahalata sa somed. D nga sila pinagsasama sa isang segment, pag nasa studio si Miles d na cla magkasa sa peraphy at lag Clones nasa parehong dulo sila nakaupo na dati e magkatabi naman sila. Kaya nga sana maayos na nila, mamagitan sana TVJ at APT.”
Samantala, wala pa namang pahayag sina Maine at Miles hinggil sa kumakalat na isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng Dabarkads hosts hinggil sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.