LPA posibleng maging bagyo, nagpapaulan kasabay ng Habagat

LPA posibleng maging bagyo, nagpapaulan sa bansa kasabay ng Habagat

Pauline del Rosario - July 03, 2025 - 12:36 PM
LPA posibleng maging bagyo, nagpapaulan sa bansa kasabay ng Habagat
PHOTO: Facebook/DOST – PAGASA

PATULOY ang pagbabantay sa Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng ating bansa.

Ayon sa latest report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 3, ang LPA ay kasalukuyan nang nasa karagatan ng Calayan, Cagayan at ito ay may “medium” potential na maging bagyo sa susunod na 24 hours.

“Inaasahan na lalapit ito sa may extreme Northern Luzon kung saan magdadala ito ng mga kalat kalat na pag-ulan lalo na dito sa may Batanes at Babuyan Islands,” paliwanag ni PAGASA Weather Specialist Chenel Dominguez sa isang press briefing.

Baka Bet Mo: Klase sa ilang lugar #WalangPasok ngayong July 3 dahil sa malakas na ulan

Nabanggit din ng weather bureau na patuloy ang pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat, lalo na sa Central Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil diyan, parehong nagpapaulan ang LPA at Habagat na nagdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.

Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Aurora na dulot ng LPA.

Ang Habagat ay magdadala ng occasional rains sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Mararansan naman ang scattered rains sa Western Visayas and the rest of Luzon, pati na rin sa nalalabing bahagi ng bansa.

Nabanggit din ng weather forecaster na may bagyo sa labas ng ating area of responsibility na isang Tropical Storm at may international name na “Mun.”

Ito ay nasa layong 2,500 kilometers ng east northeast Extreme Northern Luzon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masyado itong malayo sa Pilipinas kaya wala pa itong direktang epekto sa ating teritoryo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending