Bianca De Vera: Hindi naman po love team ‘yung motive namin

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Bianca de Vera hinggil sa isyung planado ang pagiging malapit nila ng Kapuso actor na si Dustin Yu.
Ang dalawang artists mula sa magkabilang network ay ang latest duo evictee ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab” edition.
Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News, nausisa si Bianca hinggil sa nabuong “closeness” at ang “connection” nila ni Dustin.
“Dustin and I, parang wala namang nagbago. The connection is still there pero it’s like bumalik lang talaga kami sa day 1. It’s like we’re really getting to know each other again. It’s s very refreshing feeling.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio, Bianca de Vera nagkaayos na, nag-sorry sa isa’t isa
“Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na ‘Ang sarap sa feeling na makilala ka ulit’. We’re happy. Ganu’n pa rin. Mag-duo pa rin outside,” lahad ni Bianca.
Nang matanong naman tungkol sa kanilang “love team”, prangkang sinagot ng aktres na hindi nila sinasadyang mabuo ang kanilang koneksyon.
“Honestly, it really wasn’t part of the plan. In fact, I was really trying to avoid it pero wala e, nangyari ‘yung nangyari and I think the best we can do right now is to maintain the friendship that we built inside the house,” sey ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Nagulat po kaming dalawa because inside the house hindi naman po talaga love team love team ‘yung motive namin. So whatever you guys saw, it wasn’t meant to happen and hindi rin po siya planado. Nagulat po kami pareho na marami palang nagmamahal sa istorya namin.”
Chika pa ni Bianca, dahil halos kalalabas lang nila sa outside world ay hindi pa niya nababasa lahat ng mga comments ng madlang pipol tungkol sa kanila ni Dustin.
Sa ngayon ay pinipili nilang i-keep ang “genuine friendship” na nabuo nila ni Dustin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.