Ice nagpaalam kay Mommy Caring: Pilit bumabangon kahit durog

Ice umiiyak na kinantahan si Mommy Caring: Pilit bumabangon kahit durog

Ervin Santiago - July 03, 2025 - 12:05 AM
Ice umiiyak na kinantahan si Mommy Caring: Pilit bumabangon kahit durog
Ice Seguerra

HINDI lang ang OPM icon na si Ice Seguerra ang umiyak sa huling gabi ng lamay para sa namayapa niyang inang si Mommy Caring.

Halos lahat ng bumisita at nakiramay sa pamilya ng singer-songwriter ay napaluha rin, lalo na nang kantahan niyang muli ang pinakamamahal na nanay.

Napakasakit ng pag-iyak ni Ice habang kumakanta, talagang ramdam mo ang kanyang pighati at pangungulila sa biglaang pagkamatay ni Mommy Caring.

Sa isang Facebook post ni Ice, mapapanood ang pagkanta niya sa tabi ng kabaong ng ina kalakip ang kanyang mensahe ng pamamaalam.”As a kid, my greatest fear was losing you. Akala ko kapag tumanda na ako, mas madali kong harapin ‘yon. Hindi pala. 

“Today, I say goodbye to you, my mama. I told myself I wouldn’t sing, but deep in my heart, I knew I’d regret not singing for you one last time. 

“This was your favorite song. Now, it has a whole different meaning for me. Every line captures how I see you and what I’m feeling. I would give everything I own…just to have you back again. I love you so much. For Always. I will miss you forever,” ang pahayag ni Ice.

Sa isang hiwalay na post, ibinahagi naman niya ang ilang bahagi ng bago niyang kanta na may titulong “Shelter of the Broken.”

“Mama, you’ve always been my quiet strength.

“She always knew. Alam niyang may pinagdadaanan ako kahit hindi ko sabihin. Pero andun siya—lagi. And that kind of love… that was my shelter.

“Sharing this snippet of Shelter of the Broken—a song I never knew would speak so much louder now.

“This is for you, mama ko. Wala pa akong buong lakas. Wala pa akong masabi.

“Pero itong kantang ’to… it came out the day after I lost the most important woman in my life. And somehow, mas lalo ko siyang naiintindihan ngayon.

“Para ’to sa lahat ng kagaya kong pilit bumabangon kahit durog. Na kahit hindi mo alam kung paano, umaasa ka pa ring may silong. Na kahit masakit, may pag-asa pa rin.

“Mama, this is yours.

“You are in every word.

“Kasama ka sa bawat linya, sa bawat nota, sa bawat paghinga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahal na mahal kita,” ang mensahe pa ni Ice para kay Mommy Caring.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending