Carla Abellana sinagot ang statement ng PrimeWater: Really?

Carla Abellana sinagot ang statement ng PrimeWater: Really?

Therese Arceo - July 02, 2025 - 09:11 PM
Carla Abellana sinagot ang statement ng PrimeWater: Really?

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang inilabas na statement ng Villar-owned water provider company na PrimeWater.

Ito ay may kaugnayan sa naunang post ng aktres hinggil sa kanyang natanggap na email na disconnection notice mula sa naturang water provider.

“Halos wala din naman po kayo supply na tubig everyday, so parang ganun na din naman po. But anyway, here’s the payment,” reply ni Carla sa naturang e-mail.

Matapos nito ay naglabas ng statement ang PrimeWater hinggil sa pahayag ng aktres na laging walang suplay ng tubig sa kanilang bahay.

Baka Bet Mo: Carla Abellana sinopla ang PrimeWater, naniningil kahit laging walang tubig

“We acknowledge the concerns raised by Ms. Carla Abellana regarding her billing and water service in Tagaytay. We value all concessionaires and strive to keep communication clear and accurate.

“Ms. Abellana’s account remains active with a minimum consumption of 1 cubic meter, which explains the standard P194 bill, along with a P20 meter maintenance charge.

“In accordance with standard utility practices, all active accounts receive a minimum monthly bill regardless of usage. Our team also made an initial visit to the property and spoke with the caretaker to explain the concern and extend support,” pagpapaliwanag ng PrimeWater sa concern ni Carla.

Giit pa ng kumpanya, nagsasagawa sila ng water deliveries sa mga lugar na nakaratanas ng mababa o walang water pressure bilang effort na makatulong sa mga apektadong lugar.

Ang naturang statement ay ibinahagi ni Carla sa kanyang Instagram story.

“Visit to my property? When? Spoke with the caretaker? What caretaker? Daily deliveries? Really?” sey ng aktres.

Sa ngayon ay wala pa namang panibagong tugon ang kumpanya sa concern ni Carla.

Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na inireklamo ang water company.

Gaya ni Carla, marami rin ang nakaranas ng kawalan ng tubig pati na rin ang mataas na singil kahit may problema sa supply.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, bago ito, nangako na ang kumpanya na aayusin ang water supply  sa Bulacan kaugnay ng inilabas na direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga Local Water Utilities Administration na imbestigahan ang ang unstable water supply sa mga public schools na binisita niya sa Malolos at San Miguel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending