Gretchen bait-baitan ang drama: Nasasaktan din ako, tao lang po!


BAIT-BAITAN ang peg ngayon ni Gretchen Barretto. Napanood namin ang YouTube video posted by Ogie Diaz recently kung saan parang nag-iba ang ihip ng hangin as far as Gretchen’s tingin sa kanyang basher is concerned.

“Naiintindihan ko kayo kung saan man kayo, kung anuman ang naisiip n’yo,” sabi ni La Greta. Teka, parang kailan lang ay tinarayan mo ang bashers mo, ha!

At nagpasalamat pa ang hitad dahil, “Kung wala kayo, eh, di wala rin akong projects, hindi rin ako interesting sa mga tao.” Gano’n?

Tinanong siya ni Ogie kung napikon na siya sa kanyang bashers. Ayaw ni La Greta na sabihing napikon siya, “Nasasaktan,” sambit niya. “Pikon is very…parang masyadong (mabigat na term) para sabihing napipikon.

Nasasaktan. Tao rin lang po ako, nasasaktan ako. Ang kaibahan lang po ay artista ako pero nasasaktan ako.” Ang feeling ni Gretchen ay magagamit niya ang pain na iyon para sa kanyang future project sa ABS-CBN, “At gagamitin ko po ang lahat ng sakit na ‘yan, makikita n’yo, balang-araw ‘pag shooting ko ng December,” sabi niya.

Teka, ang Altagracia kaya ang sinasabi niyang project dahil me nabasa kaming post sa isang website na she’s being shortlisted para sa nasabing teleserye na Pinoy adaptation ng isang Mexicanovela?

Very confidentent si Gretchen when she said na, “My credibility is intact. Sa ilang taon ko sa showbusiness ay wala akong itinago, wala akong idinenay kahit masama.

Alam nila kung ano ako, kung sino ako, dito ako lumaki. Kung ano ang meron ako ay dahil ‘yon sa showbusiness. ‘Yung credibility ko is important. It’s everything to me.” Talaga lang, ha!

( Photo credit to Google )

Read more...