DusBi admin itinanggi ang paglalabas ng pera para mag-BBE RaWi

ITINANGGI ng admin ng fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera o kilala bilang DusBi duo na naglabas ng pera ang kanilang kampo upang mag-vote to evict sa RaWi o ang duo nina Ralph de Leon at Will Ashley.
Viral ngayon sa ang isang larawan na nagpapakita ng limpak-limpak na pera na may karatula na may nakasulat na, “Ready na ba kayo WillCULT? BBE RAWI”. May timestamp pa ito na June 28, 2025 11:47 P.M.
Saad pa sa caption, “Kung mabait ang DusBi pwes ako hindi. LINTEK LANG ANG WALANG GANTI”.
Sa katunayan, ibinahagi pa ito ng Cinema Bravo sa kanilang Facebook page.
Baka Bet Mo: Dustin Yu agaw-eksena agad sa PBB Collab, black sheep ng family
“How low can you go? DusBi fans:” caption sa naturang post.
Agad ngang umani ng samu’t saring komento mula sa mga manonood ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” Edition dahil tila below the belt na ang ginagawa ng mga faney.
“Grabee naman tung mga dusbi fans , imagine yung hate tas pagka bitter nila na humantong nasa point na they’re will really invest a large amount of money para lang ma bbevict ang RAWI just to down someone’s dreams,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “FYI. Lahat ng BBE na nakuha nila, sa kanila pa din mapupunta (or may parte sila) as per Myrtle, Brenda and Jane. So go lang. BBE them. Kay Ralph and Will lang mapupunta pera niyo. Napahiya niyo pa si Dustin and Bianca.”
“BBE doesn’t mean you’re out of the Big 4.
But let’s be clear — the DUSBI duo has already been evicted! Wala nang wildcard, wala nang comeback. Kahit mag-BBE pa kayo, hindi na kayo ang makikinabang,” sey naman ng isa.
Samantala, nilinaw naman ng admin na si Haizel Ramos na walang katotohanan ang kumakalat na larawan.
“Once and for all this is FAKE NEWS!!! Kahit ito lang sagutin namen. You’ve thrown a lot of hate, negativity and fake news sa DustBia [DusBI] pero never kame sumagot but this is too much na po. Let’s be responsible netizens,” PAGLILINAW NITO.
Samantala, wala pa namang pahayag sina Bianca at Dustin tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.