Barbie, Jameson spotted na magka-holding hands, sila na?

Barbie, Jameson iniintriga sa socmed, spotted na magka-holding hands

Pauline del Rosario - June 30, 2025 - 07:07 AM
Barbie, Jameson iniintriga sa socmed, spotted na magka-holding hands
PHOTO: Screengrab from Facebook

USAP-USAPAN sa social media ang dalawang artista na si Barbie Forteza at Jameson Blake.

Ito ay matapos mag-viral ang isang picture na kung saan ay makikitang magka-holding hands ang dalawa, habang may isang tsikiting ang very obvious na nagpa-picture sa kanila.

At dahil sa suot nilang race bib, napagtanto namin na kahapon, June 29, lang nakunan ang nasabing litrato kung saan sumali sina Barbie at Jameson sa Cabalen Half Marathon na ginanap sa Clark Parade Grounds Pampanga.

Ang nakakaintrigang nakalagay pa sa caption ng mismong picture, “Barbie at Jameson holding hands sa isang fun run? Sila na ba?”

Baka Bet Mo: Barbie Forteza single pa rin: Walang echos, wala po talagang nanliligaw

May nakasingit pang screenshot na tila post ng isang netizen na ang sabi naman ay, “Hala nakikita niyo ba nakikita ko [shocked face emoji] ayoko nalang mag-talk…kung saan masaya ah.”

Sa comment section, halo-halo ang naging reaksyon ng mga fans at netizens.

May mga suportado kung may “something” nga sa pagitan ng dalawa, may ilan naman ang tumututol, habang ang iba naman ay naniniwalang for promotion lang ito sa isang upcoming project.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Go Barbie go find your perfect match, you deserve it!”

“Ano ba kayo, may GF si Jameson Blake. Issue naman kayo”

“Hindi totoo ,yan David pa rin ako, BarDa lang sapat na [heart emojis]”

“Kung saan masaya ang Bb gurl and least ang bashing at pag a-underestimate sa kanya. She’s pure with her kind of living kaya she deserves respect [red heart emoji]”

“Totoo ba ito or fake or edit? Kung totoo, kakit kasi nakikipag-holding hands kung hindi naman jowa. Kahit artista ka dapat may limitations lalo na’t may nanliligaw sayo at gusto mo rin naman yung nanliligaw sayo, you should have delicadeza.”

Magugunitang hindi ito ang unang beses na spotted ang dalawa sa isang fun run, unang nag-viral ang ilang videos at pictures na makikitang very close sila sa isa’t-isa sa “Lights Camera Run” na ginanap noong May 10.

May upcoming movie together din sila na ang pamagat ay “Kontrabida Academy” na ipapalabas sa Netflix.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama nila riyan ang batikang aktres at komedyana na si Eugene Domingo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending