Dyesebel muling lalangoy sa ABS-CBN; Sarah, Angel posibleng mag-audition


NAG-POST ang Dreamscape publicity head na si Erick John Salut sa kanyang Instagram account ng, “Abangan ang muling paglangoy niya!” na ang tinutukoy ay si Dyesebel.

Dahil dito ay kaliwa’t kanan ang mensaheng natanggap namin mula sa mga nakabasa at ilang katoto kung sino ang gaganap sa pagbabalik sa TV ng seryeng Dyesebel.

Wala kaming maisagot kaya tinawagan namin si Erick John tungkol dito, “Ay wala pa, may audition pero wala pang napipili, pero ito ang biggest project for 2014, parang Juan dela Cruz ang dating, kaya pinaghahandaan na,” sabi sa amin.

Nagtanong din kami sa isang TV executive tungkol sa remake ng Dyesebel na huling napanood sa GMA at pinagbidahan ni Marian Rivera.

“Wala pa talaga, kasi lahat ‘yan dadaan sa audition ke sikat o hindi, pero kung ako ang tatanungin, dapat fresh hindi ‘yung sikat na para bago naman, kaso kung bago, baka naman hindi pansinin, well depende siguro, bakit naman ‘yung Aryana, hindi naman sikat ‘yung gumanap, pero nakailang season din, di ba?

“Pero kasi, malaking pangalan ang Dyesebel, so siguro medyo sikat ang kukunin pero as of now, wala pa talaga, pinaiingay lang,” say naman sa amin.

Naku, tiyak na maraming mag-o-audition na mga Kapamilya stars dahil halos lahat ng artistang babae ay dream role ang Dyesebel, bukod kay Darna.

Ikaw ba bossing Ervin, sinong type mong gumanap ng Dyesebel? (Feel ko si Sarah Geronimo, kasi kahit sexy si Dyesebel dapat may pagka-wholesome pa rin, ‘yung pagiging inosente ni Sarah perfect sa role.

Or kung gagawing daring at sexier ang tema ng kuwento, pwedeng-pwede sina Angel Locsin at Angelica Panganiban. – Ed)

( Photo credit to Google )

Read more...