Pride Month message ni Vice Ganda patama kina Ricky at Renee? 

Pride Month message ni Vice patama nga ba kina Ricky Reyes at Renee Salud? 

Ervin Santiago - June 29, 2025 - 03:03 PM
Pride Month message ni Vice patama nga ba kina Ricky Reyes at Renee Salud? 
Vice Ganda

MATAPANG na nagpakawala ng kanyang saloobin ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Isa ang TV host-comedian sa mga nagbigay ng mensahe sa ginanap na Quezon City Pride Month kahapon, June 28.

Pahayag ni Vice, hindi dapat iniiwan o pinababayaan ang kanilang mga kasamahan sa LGBTQ community sa kahit anong laban, lalo na yung mga miyembro nito na hindi nabiyayaan ng pribilehiyo.

“Kung tutuusin, may pribilehiyo na ako, e. Pero hindi porke may pribilehiyo ka, iiwanan mo na ‘yung mga kasamahan mong hindi nakakatanggap niyon,” ang bahagi ng speech ni Vice.

Patuloy pa niya, “Hindi porke matanda ka na, at may pera ka na, iiwanan mo ‘yung mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyong nakukuha mo.

“Dahil ang pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang, dapat maging karapatan ‘yan ng bawa’t isa,” mariin pang sabi ng komedyante.

Walang binanggit na pangalan si Vice kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang talumpati ngunit naging usap-usapan nga ang naging pahayag ng fashion at beauty icon na sina Ricky Reyes at Renee Salud tungkol sa LGBTQ at Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality (SOGIE) bill.

Pareho ring kumontra sina Mother Ricky at Mama Renee sa pagsasabatas ng same-sex marriage sa Pilipinas.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen sa mensahe ni Vice ngayong Pride Month.

“Louder Meme!! P.S. Quingina niyo, Renee Salud at Ricky Reyes!”

“Makinig kayong dalawang matandang toxic renee at ricky.”

“And this is why meme vice is the real LGBTQ+ icon”

“Meme!!!!! Yassss puksain yang mga dapat puksain na yan!!!”

“Napanuod ko sa interview si lolo ricky reyes ang tawag sa sarili nya ‘wife’, devoted wife and mom daw sya sa bahay. Sobrang hypocrite kala ko ba against sa marriage equality. Ipokritang walang pinagkatandaan.”

“Rene Salud and Ricky Reyes left the group chat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Is this his response to Ricky Reyes?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending