Ogie Diaz ayaw problemahin pagkanta nina Fyang Smith at Chloe

Ogie Diaz ayaw nang problemahin ang pagkanta nina Fyang Smith at Chloe

Ervin Santiago - June 29, 2025 - 12:35 AM
PINAYUHAN ng talent manager at host na si Ogie Diaz sina Fyang Smith at Chloe San Jose tungkol sa pagsabak nila sa music scene.
Aware si Mama Ogs sa pamba-bash at panlalait sa dalawang aspiring singer ng mga netizens nang marinig at mapanood ang mga video nila sa social media habang kumakanta.
Nag-react din ang mga fans ni Sarah Geronimo nang tawagin daw si Fyang na
Fyang Smith, Chloe San Jose at Ogie Diaz

PINAYUHAN ng talent manager at host na si Ogie Diaz sina Fyang Smith at Chloe San Jose tungkol sa pagsabak nila sa music scene.

Aware si Mama Ogs sa pamba-bash at panlalait sa dalawang aspiring singer ng mga netizens nang marinig at mapanood ang mga video nila sa social media habang kumakanta.

Nag-react din ang mga fans ni Sarah Geronimo nang tawagin daw si Fyang na “The Next Popstar” sa album launch nito kamakailan at kantahin ang ilan sa mga hit songs ni Sarah G.

Pero in fairness, may mga pumuri rin naman sa performance ni Fyang at nanawagan na tigilan na ang pambabatikos sa dalaga dahil wala naman daw itong ginagawang masama.

May ilang fans din ang nag-suggest na sana’y mag-collab din sina Fyang at Chloe matapos ding i-launch ang album ng girlfriend ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa latest episode ng  YouTube vlog na “Showbiz Updates”, nagbigay ng reaksiyon ang host nitong si Ogie Diaz hinggil sa pagkanta nina Fyang at Chloe.

Aniya, ayaw na niyang problemahin pa ang pagiging singer and performer nina Fyang at Chloe, “Kasi kapag pinroblema ko pa sila, dadagdag pa ‘yan sa mga problema ko, e, ‘di ba?” 

Hirit pa ni Mama Ogs, “Mas magandang unawain mo na lang sila kung bakit nila ginawa ‘yon, kasi nga, happy sila. Kasi nga marami silang fans na napapasaya.”

Naiintindihan din daw niya ang dalawang aspiring singer bilang isa ring talent manager. 

Aniya, kung napapaligaya at nai-inspire naman daw ng mga ito ang kanilang supporters sa pamamagitan ng pagkanta, go lang daw nang go.

“Sa isang kondisyon, kailangan araling maigi. Kailangan mag-voice lesson ka nang bonggang-bongga,” payo pa ni Mama Ogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending