Kilalang personalidad pinagdududahan ang anak sa live-in partner

Kilalang personalidad pinagdududahan ang anak sa live-in partner, anyare?

Reggee Bonoan - June 27, 2025 - 07:32 PM

Kilalang personalidad pinagdududahan ang anak sa live-in partner, anyare?

ANO kaya ang pakiramdam ngayon ng kilalang personalidad sa nalaman niya sa intel niya na ang kinikilala niyang anak ay hindi pala siya ang tatay?

Nagduda ang lalaki sa kanyang live-in partner nang mabasa nito ang mensahe ng kaibigan niya na kinukumusta ang anak niya mula sa dating dyowa.

Nagtaka ang kilalang personalidad sa nabasa at nagkaroon sila ng gulo ng live-in partner na bukod dito ay pinakilos na nito ang kanyang intel at bingo, hind inga siya ang tatay ng bagets.

Ipinipilit ng live-in partner ng kilalang personalidad na siya ang ama ng kanilang anak, ang siste ayaw naman niyang ipa-DNA test ang anak at nag-iiyak na si girl dahil pinalalabas na walang tiwala sa kanya ang personalidad.

Baka Bet Mo: Female personality may kinalaman sa mga missing sabungeros

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Takot siya kasi mabubukelya siya kung sino talaga ang tatay ng bata, e, well, what comes around goes around,” sitsit ng aming source.

Hirit namin ay kung bakit may ‘what comes around goes around’ na sinabi ang aming source.

“E, kasi nga di ba? Si (kilalang personalidad), iniwan niya dyowa dahil diyan kay (live-in partner) kasi nga buntis na at kailangan panagutan? Nagyayaya na nga ng kasal kasi nga buntis (dati), e, ayaw pa ni (kilalang personalidad), so, hayan ang nangyari,” kuwento ng source.

Sa kasalukuyan ay tahimik ngayon ang kilalang personalidad at tila may pina-plano raw dahil ganito raw ang ugali niya kapag may gagawin ay nanahimik at mambubulaga na lang ito bigla.

Sa kabilang banda ang iniwang dyowa ng kilalang personalidad ay super saya ngayon kasama ang boyfriend na almost perfect sa paningin ng mga kaibigan at kapamilya nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending