Female personality may kinalaman sa mga missing sabungeros
SANGKOT umano ang isang kilalang female personality sa kontrobersyal na pagkawala ng hindi bababa sa isang daang sabungero.
Base sa exclusive report ni Emil Sumangil na umere sa “24 Oras”, isang rebelasyon ang kanyang nakalap mula kay “Alyas Totoy” na siyang tumatayong witness sa kaso ng missing sabungeros.
“Mayroong isang babaeng celebrity, ‘di ko na muna papangalanan at alam nila ‘yan. Kasama siya sa alpha member. Ibig sabihin kasama siya sa grupo,” lahad ni “Alyas Totoy”.
Ayon pa sa ulat, handa na ang affidavit ni “Alyas Totoy” ngunit ibibigay lamang niya ito kapag kumpleto na ang hawai niyang ebidensya at kapag kasama na niya ang mga magpapatotoo sa kanyang pahayag.
Baka Bet Mo: 34 nawawalang sabungero pinatay, inilibing sa Taal Lake – saksi
View this post on Instagram
Ayon pa kay “Alyas Totoy” na siyang katieala ng itinuturo niyang mastermind ay nasa inner circle lamang ang female personality na kanyang tinutukoy.
Bukod rito, wala naman nang inilabas pang detalye ang witness tungkol sa babae bukod sa kasama ito sa mga taong dapat raw na makasuhan tungkol sa pagkakawala ng mga sabungero.
Isa raw kasi ang female personality sa mahigit tatlumpung pulis at sibilyan na may kinalaman sa insidente.
“Isa siya [sa mga kasama] kapag nagmi-meeting meeting. Nandoon siya.
“Isacrin siyang [female personality] susi kung sakali. Siya ang mas marami ring alam.
Bukod rito, nagsimula na rin ang imbestigasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM dahil sa mga isiniwalat ni Alyas Totoy na may mga pulis na sangkot sa missing sabungeros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.