Bida-bidang aktor tsugi sa primetime show, laging absent sa taping

Bida-bidang aktor tsinugi sa primetime show, laging absent sa taping

Reggee Bonoan - June 25, 2025 - 09:06 AM

Bida-bidang aktor tsinugi sa primetime show, palaging absent sa taping

ISANG character actor ang hindi na mapapanood sa isang primetime show dahil hindi na ito pinag-report ng kanilang direktor.

Matagal nang napapansin ng co-stars ng character actor na pasaway siya sa set at kailangan lagi siyang bida sa kuwentuhan.

Kung mapapansing bibihira siyang mapanood dahil lagi siyang absent sa taping, ang ikakatwiran niya ay masama ang pakiramdam o may lakad siya na hindi puwedeng hindi siputin.

“Bida-bida kasi si ___ (character actor), gusto niya siya masunod sa gusto niyang eksena, e, siyempre hindi sang-ayon si Direk. Lagi silang nag-uusap kung ano ang gusto niyang mangyari sa eksena niya,” say ng aming source.

Nitong nakaraang eleksyon ay laging hindi nakakasipot sa taping ang character actor dahil ang katwiran niya ay abala siya sa pangangampanya sa kaibigan niyang kandidato at pinagbigyan naman siya ng direktor dahil dagdag kita nga naman iyon ng artista niya.

“Buti na lang hindi naman main character si ____ (character actor) kaya keri lang na wala siya lagi,” saad pa ng aming kausap.

Nang matapos na ang eleksyon at marahil ay malaki ang kinita ng character actor kaya hindi pa rin sumisipot sa taping kaya’t nagbaba na ng memo ang direktor na papatayin na ang karakter niya.

“Parang okay lang naman din ___ (sa character actor) kasi high pa sa bagong biling modelong sasakyan na panay ang out of town kasi ang gara ng kotse niya,” pambubuking ng source namin.

Kung cash ang sasakyan niya, okay na hindi na siya mag-work pero paano pala kung hulugan, paano niya babayaran kung hindi na siya tatanggap ng projects?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending