Dennis Trillo ginulat ni Jennylyn Mercado: Talagang grabe ‘yung kirot

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
NAKAPAGSULAT ng kanta ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado para sa pinakamamahal niyang asawang Drama King na si Dennis Trillo.
Bukod sa pagbabalik niya sa telebisyon at pelikula, nakapaglabas din si Jennylyn ng bagong album nitong nagdaang May na may titulong “Jen”.
Kasama nga sa mga kantang nakapaloob sa pinakabago niyang album ay talagang isinulat niya para Dennis.
Kuwento ni Jennylyn sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ang title ng song ay “Paulit-ulit Kang Pipiliin” na talagang pang-true to life ang meaning.
“Gusto ko siyang maging parte ng album na ‘yun kasi espesyal ‘yung album na ‘yun dahil bago ‘yung recording company na ‘to, espesyal dahil katrabaho ko si Jonathan Manalo,” chika ng Kapuso star.
View this post on Instagram
Sabi naman ni Dennis, shookt siya nang marinig ang naturang kanta at malaman kung ano ang totoong istorya sa likod nito.
“Medyo personal ‘yung mga narinig ko sa lyrics e, kaya parang kapag narinig mo, ‘Uy, parang designed talaga itong kantang ito para sa’kin.’ Dahil asawa ko ‘yung gumawa e,” pahayag ni Dennis.
Isinama pa raw ni Jen ang asawa nang mag-recording siya ng kanta pero hindi pa niya ikinuwento kay Dennis na ‘yun ang ire-record niya. Surprise raw talaga yun para sa kanyang husband.
“Tapos nu’ng natapos na namin ni Jonathan, pinarinig namin sa kaniya ‘yung raw, sabi ko, ‘Para sa’yo ‘yan, ito ‘yung lyrics,’” sey ni Jennylyn.
Kuwento naman ni Dennis kay Tito Boy, pinigilan niyang umiyak nang malaman niyang para sa kanya ang “Paulit-ulit Kang Pipiliin.”
“Sa loob-loob ko, talagang grabe ‘yung kirot dahil siyempre ang sarap ng pakiramdam na gawan ka ng kanta, gumawa ng kanta na ikaw ‘yung inspirasyon,” lahad ni Dennis.
“Parang du’n mo mararamdaman ‘yung unconditional love talaga na kahit ano pa ang mangyari, ikaw ‘yung kasangga ko panghabang buhay,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.