Atasha hinarap matinding challenge bilang bida sa 'Bad Genius'

Atasha Muhlach hinarap matinding challenge bilang bida sa ‘Bad Genius’

Ervin Santiago - June 25, 2025 - 12:45 AM

Atasha Muhlach hinarap matinding challenge bilang bida sa 'Bad Genius'

Atasha Muhlach, Gab Lagman, Hyacinth Callado, Jairus Aquino at Derick Cabrido

MATINDING challenge ang hinarap ni Atasha Muhlach bilang lead star ng Philippine adaptation ng Thai movie na “Bad Genius“.

This time, isa nang digital series ang “Bad Genius” mula sa Studio Viva at mapapanood sa Viva One mula sa direksyon ni Derick Cabrido na siya ring nasa likod ng blockbuster movie na “Mallari.”

Ang Thai thriller movie version nito na ipinalabas noong 2017, ay pinagbidahan ni Chutimon Chuengcharoensukying habang ang Pinoy adaptation nga nito ay isa nang series na pagbibidahan ni Atasha na gaganap bilang Lin.

Makakasama rin dito sina Jairus Aquino, Hyacinth Callado, at Gab Lagman.

Ang proyektong ito ang isa raw sa mga dahilan kung bakit pansamantalang nawala si Atasha bilang host ng longest-running noontime show sa buong mundo na “Eat Bulaga”.

Pag-amin ni Atasha sa kanyang launching project, “Siyempre naman, kinabahan ako. It was a big shift from coming from Eat Bulaga and to now doing a serious project.

“But nonetheless, like I said before the past reveal, with a project like this, it was just a great opportunity and a great blessing that I would never ever take it for granted.

“And I can happily say now that we’ve been taping, that we all gave our one hundred percent,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Everything was challenging, but I always believe in the saying that nothing good comes easy. So you always have to give it your best and always putting your heart in the work that you do.

“Going into this project, we never had the mindset of how are we going to hit that mark as the other remakes.

“It’s more of let’s just embrace the Pinoy culture of family, friendship, and how we go through struggles for our own morality choices. And I hope that reflects in Bad Genius.

“And also, I think, more importantly, we all gave one hundred percent. We gave our best and we hope that you guys enjoy that,” pahayag pa ng TV host-actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, iikot ang kuwento ng “Bad Genius The Series” sa isang isang iskolar na gumawa ng organisadong sistema para makapandaya sa mga exam.

Sa cast reveal/story conference na ginanap noong March, ang apat na main cast ay nagkwento ng kanilang reaksyon nang makuha nila ang kanilang mga role.

Kwento ni Atasha na napaiyak siya sa “surreal moment” na iyon. Aniya, “Super grateful ako. This is my first, so (I’m) honored to have such a great project with a great team.

“This (acting) is something I’ve been wanting to do since I was a kid, and now that this dream is happening, I really don’t want it to go to waste” kaya naman ibibigay niya ang kanyang 100% dito.

Inilarawan niya si Lin bilang “very mysterious at maraming personalities” na dapat abangan ng mga manonood. Ayon sa kanya ang intuition, observation at planning skills ni Lin ang makakatulong sa pagiging “bad genius”. “Pero mabait pa rin si Lin,” aniya.

Siya ay anak ng isang public school teacher na si Vincent (Romnick Sarmenta), at ang kanyang nanay na si Winona (Yayo Aguila) na hindi nila kasama sa kasalukuyan.

Gagawin niya ang lahat para manatiling iskolar sa private school niya ngayon. Bukod sa gusto niyang makatulong sa mga estudyante na nahihirapan sa klase, gusto niya ring kumita at doon magsisimula ang pandaraya.

Para kay Jairus Aquino walang sapat na salita para sabihin kung gaano siya ka-excited sa papel niyang si Bank dahil naiiba ito sa mga role na nagawa na niya.

Ayon sa kanya si Bank ay mapagmahal na anak sa biyudang labandera na si Nenita (Irma Adlawan). Mabuting bata at isa ring iskolar si Bank, pero dahil sa tindi ng pangangailangan ay sasamahan niya si Lin sa money-making scheme. Pero sa mga plano nilang ito ay laging nakabantay ang kanilang principal na si Eleanor Perez (Sarah Lahbati) na siyang nagbigay din sa kanila ng scholarship.

Para naman sa papel na Pat, kwento ni Direk Derick na naging matagal ang diskusyon nila ng mga producer para mahanap ang tamang actor – at ‘yon nga ay si Gab Lagman.

Malaki ang pasasalamat ni Gab na siya ang pinagkatiwalaan sa role na ito. Si Pat ay anak ng isang millionaire. Si Pat ay mahina sa academics pero magaling sa networking. Siya ang magiging spokesperson nina Lin at Bank.

Si Hyacinth Callado ay si Grace, ang “bubbly, outgoing, at mabait” na girlfriend ni Pat. Siya ang unang kaklaseng tutulungan ni Lin para makakuha ng mataas na grade sa exam. Kailangan ito ni Grace para makuha ang lead role sa kanilang theater group.

Mapapabilang siya sa cheating scheme dahil sa kanyang wit at confidence. Tinawag ni Hyacinth na karangalan na maialok sa kanya ang papel na ito at malaki ang tiwala niya kay direk kung saan niya dadalhin ang serye.

Inamin naman ni Direk Derick Cabrido na kinabahan siya nang ialok sa kanya ang proyektong ito. Aniya, “The original series has already set a standard, and hindi ka na dapat bababa doon. It’s a big challenge, and I love challenges,” kaya naman tinaggap niya ito.

Sinisiguro ni Direk na hindi lang magiging entertaining ang palabas, “but will tackle the situation of our education system right now.”

Bukod dito sinabi niya na “very proud” siya sa Viva dahil sa directive nito na ipakita ang relationship ng apat na bida sa kanilang mga pamilya para maipaliwanag ang kanilang mga desisyon at aksyon. Aniya, “Inaral namin ang bawat isang karakter to give a new flavor, new image” para maipakita ang tunay na Pinoy.

Idiniin rin ni Direk ang isang mahalagang bagay, “We don’t want to send a wrong signal that we’re encouraging cheating. We made sure that the moral lesson is there.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Irma Adlawan at Sarah Lahbati, kasama rin sa 13 episodes ng “Bad Genius: The Series” sina Sarah Lahbati, Gold Aceron, Art Acuña, Lander Vera-Perez, Lester Llansang, Andrea Babierra, Keagan De Jesus, Alex Payan, Ash Jewel at Kyosu Guinto.

Mapapanood na ang “Bad Genius The Series” tuwing Huwebes simula July 17, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending