Sarah Lahbati dyowa na raw ni Councilor Marty Romualdez, ayaw pang umamin?

Marty Romualdez at Sarah Lahbati
TRULILI kaya ang kumakalat na chikang ang bagong karelasyon umano ngayon ng aktres na si Sarah Lahbati ay isang politiko?
Ang usap-usapan sa apat na sulok ng kashowbizan, si Tacloban City Councilor-elect Ferdinand Martin “Marty” Romualdez, Jr. ang dyowa ni Sarah.
Sa mga hindi pa aware, si Konsehal Marty ay anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda K. Romualdez.
Ilang beses na raw nakitang magkasama sa magkakahiway na okasyon sina Sarah at Marty kaya naman ang paniwala ng mga Marites ay may relasyon na ang dalawa.
Pa-low profile lang daw ang relationship nina Sarah at Marty kaya hindi sila masyadong nagsasalita at nagpo-post sa social media about their relationship.
Ngunit puro ispekulasyon pa lamang ang naglalabasang balita tungkol sa umano’y relasyon nina Sarah at Marty dahil wala pa namang lumalantad sa kanila para kumpirmahin o idenay ang chika about them.
Pero ayon sa mga tagasuporta ni Sarah, walang isyu kung sakaling dyowa na niya si Marty dahil matagal na silang hiwalay ng dati niyang asawang si Richard Gutierrez.
Pero may nagtanong naman kung break na ang konsehal at ang long-time socialite girlfriend nito.
More than one year na rin nang kumpirmahin ng aktres na naghiwalay na sila ni Richard kasabay ng pagsasabing pareho na silang naka-move on sa kanilang breakup.
In fairness, maayos na rin ang co-parenting agreement ng dating mag-asawa para sa dalawa nilang anak na sina Zion at Kai.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Sarah at Marty hinggil sa balitang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
