Anak ni Jhong Hilario nawala sa Japan, nakitang nagsya-shopping

Anak ni Jhong Hilario nawala sa Japan, natagpuang nagsya-shopping

Therese Arceo - June 24, 2025 - 04:30 PM
Anak ni Jhong Hilario nawala sa park, natagpuang nagsya-shopping

KINABAHAN ang Kapamilya actor-TV host na si Jhong Hilario at ang kanyang partner na si Maia Azores matapos mawala ang kanilang anak na si Sarina.

Sa latest vlog ng “It’s Showtime” host ay ibinandera niya ang kanilang bakasyon sa Japan para i-celebrate ang birthday ni Maia at bisitahin ang kapatid nito.

Unang araw pa lang nila Jhong sa Japan ay pasabog na agad ang mga pangyayari dahil sa pagkawala ni Sarina.

“May insidenteng nangyari. Unang araw pa lang e biglang tumakbo nang mabilis [si Sarina]. Sa sobrang laki ng rainforest cafe e hinanap namin,” lahad ng actor-TV host sa vlog.

Baka Bet Mo: Jhong Hilario pina-abogado ng tatay ni Maia noon, bakit kaya?

Ilang minuto rin nilang hinanap si Sarina at nai-report na rin nila sa management ng lugar. Halos mangiyak-ngiyak na rin si Maia dahil sa pagkawala ng anak ngunit natagpuan ito ni Jhong na masayang namimili ng kanyang mga laruan.

“Yun pala umakyat na agad sa taas. Nakita ko nagsya-shopping na. May dalang basket ng mga toys niya,” kuwento pa niya.

Sa Instagram post naman ni Sarina ay makikita ang video kung paano siya nahanap ni Jhong.

“Sarina, we’re looking for you,” sey ng Kapamilya star sa anak.

Nakangiti namang sumagot si Sarina kay Jhong at sinabing, “I’m just shopping.”

Bitbit bitbit pa niya ang maliit na basket na naglalaman ng stuffed toys at laruan.

“Mommy is looking for you. We thought you are still downstairs. Don’t do that again, ok? Don’t do that,” pangaral ni Jhong sa anak.

“You have to tell us. Don’t go away from us, ok? That’s not nice. We are so worried. Don’t do it again,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli ay sinabihan ni Jhong ang anak na mag-sorry sa kanyang mommy, lolo, at tito na kasama rin nila sa kanilang Japan trip.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending