Ivana Alawi palaban: Hindi ako pinalaki para manira ng pamilya

Ivana Alawi palaban: Hindi ako pinalaki para manira ng pamilya

Therese Arceo - June 24, 2025 - 02:55 PM
Ivana Alawi palaban: Hindi ako pinalaki para manira ng pamilya

DIRETSAHANG inihayag ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi na kailanman ay hindi siya naging homewrecker o nanira ng pamilya.

Sa kanyang latest vlog ay sumalang siya sa lie detector test kasama ang kanyang ina at kapatid na si Hash Alawi habang ang bunsong kapatid na si Mona Alawi naman ang tagabato ng tanong.

Hindi tulad ng kanilang naging lie detector challenge noon, totoong machine na ang nakakabit sa katawan ni Ivana at isang eksperto ang bumabasa kung “truth” or “lie” ba ang sagot nila sa bawat tanong.

Isa sa mga tanong sa kanya ni Mona ay, “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?”

Baka Bet Mo: Ivana Alawi: Ang tingin nila sa ‘kin easy to get ako, pero…

“No,” walang kaabog-abog na sagot ni Ivana

Pa-suspense naman ang paglalabas ng resulta ng kanyang sagot na “truth” naman ang lumabas.

“Hindi ako pinalaking manira ng pamilya,” sey ni Ivana matapos makumpirmang totoo ang kanyang sagot.

Pagpapatuloy pa niya, “I respect families kasi kami nga broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala e.”

Nabanggit rin ni Ivana na isa siyang private person sa kabila ng kanyang pagiging sikat na personalidad.

“I don’t really show everything. I keep some stuff private,” sabi ng aktres.

Nitong nakaraang buwan lang nang umingay ang pangalan ni Ivana matapos masangkot ang pangalan sa ipinasang complaint affidavit ni Dominique “Nikki’ Benitez sa isinampa niyang reklamong sa pag-violate ng kanyang asawang si Cong. Albee Benitez sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Naglabas naman ng official statement ang producer-politician sa pamamagitan ng kanyang mga legal counsel at pinabulaanan ang lahat ng alegasyon ng kanyang asawa.

Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Ivana tungkol sa isyu at wala pang inilalabas na pahayag ukol sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa naturang reklamo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang bago pa ito, na-link na si Ivana kay Cong. Albee matapos silang maispatang magkasama sa airport ngunit dinenay naman ng aktres ito at sinabing hindi siya ang girlfriend at isa lang ang kongresista sa mga politikong nakatrabaho at naging kaibigan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending