Robin humirit sa pag-uwi ni Duterte sa Pinas pero resolusyon hindi tinanggap

Rodrigo Duterte at Robin Padilla
NAGHAIN ng resolusyon si Sen. Robinhood Padilla para sa pagpapabalik sa bansa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nais ni Padilla sa kanyang resolusyon na maglabas ng iisang posisyon ang Senado upang magsilbing susi ng pambansang pagkakaisa.
Ito rin aniya ang kailangan upang mabaling na ang buong atensyon ng gobyerno sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan.
Dagdag pa ng senador, ito ay para din igiit ang soberanya ng Pilipinas gayundin ang karapatan ng bansa na mag-imbestiga at litisin ang sariling mamamayan.
“Resolved, further, that if full repatriation free from ICC jurisdiction is impracticable, the Senate hereby strongly urges the Philippine Government to secure, on an ad cautelam basis and without conceding ICC jurisdiction, the interim release of former President Duterte to the Philippines under conditions acceptable to the ICC,” banggit ni Padilla sa kanyang resolusyon.
Ngunit hindi na tinanggap ng Bills and Index Section ng Senado ang resolusyon dahil matatapos na ang 19th Congress kayat ayon kay Padilla ihahain na lamang niya muli ito sa 20th Congress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.