Coco Martin ibinuking ni Julia Montes, ibang klaseng magmahal

EXCLUSIVE: Coco Martin ibinuking ni Julia Montes, ibang klaseng magmahal

Reggee Bonoan - June 24, 2025 - 09:33 AM

Coco Martin ibinuking ni Julia Montes, ibang klaseng magmahal

Coco Martin at Julia Montes

WALA sa plano ng aktres na si Julia Montes na pasukin ang pagpo-produce tulad ng partner niyang si Coco Martin dahil mas gusto niyang magnegosyo.

“Wala po talaga, taga-support lang ako. Baka ako ang secretary sa finances pero ‘yung creative kay Coco talaga ‘yun,” say ni Julia nang alamin namin kung parte na siya ng CCM Film Productions.

Isa si Coco sa producer at direktor ng programang “FPJ’s Batang Quiapo”, ang nangungunang programa sa primetime na napapanood sa TV5, A2Z, iWant, TFC at Kapamilya channel.

Kuwento ni Julia, “Lagi ko siyang kinakausap sabi ko amaze na amaze ako sa talent na ibinigay sa kanya kasi ang hirap po nu’n, hindi dahil kapartner ko siya but because hindi siya selfish.

“Siyempre, I’m not saying everybody kapag bida ka, may mga bidang iisipin nila ‘yung role nila, pero siya minsan nakakalimutan pa niya ‘yung sarili niya, kasi kung saan punto na maganda ‘yung kuwento, mas inaalagaan niya ‘yung artista.

“Kaya napa-proud ako sa kanya as producer, as creator. At naisi-share niya ‘yun at maraming nakaka-experience kung paano siya magmahal,” sabi ng aktres.

Tinanong din namin kay Julia kung maggi-guest siya sa “Batang Quiapo” tulad sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na kasama na siya sa kuwento bago magtapos ang serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

“Hindi ko po alam (natawa), kasi maski po ako ‘yung totoo kapag tinatanong ko siya kasi siyempre hook na hook din ako (sa kuwento), tatanungin ko, ‘anong susunod?’ Sabi niya (Coco), ‘manood ka.’

“Hindi rin niya sinasabi sa akin kaya kapag ako tinanong ng kahit sino kung anong kuwento ay hindi ko rin masasabi kasi wala talaga ako alam,” sabi ng aktres.

Unpredictable kasi ang kuwento ng “BQ” na on the spot ay may nadadagdag na mangyayari sa bawa’t araw.

“Ganu’n siya kasi nakasama ko na siya sa lock in ng Ang Probinsyano at doon ko nakita kung paano siya magtrabaho. Siyempre kasi iba ‘yung nakukuwento sa ;yo, mahiyain pa ‘yun, so hindi siya nagkukuwento sa akin kung paano, e, nu’ng nakatrabaho ko siya napapatulala ako, grabe ganito pala!

“Tapos minsan in the middle of the night magtatawag yan (sa writer), ‘may naisip ako ganito-ganyan, ikukuwento na niya ‘yan may mga ganu’n siyang thoughts, sabi nga namin God’s gift talaga,” ani Julia

Maraming nagkuwento na talagang matulungin si Coco sa mga kaibigan lalo na ‘yung mga hindi na aktibo sa showbiz o wala ng kumukuha ay inaalok niyang mag-guest sa programa niya.

Nagkataon naman na halos lahat ng mga artista noon at ngayon ay gustong mag-guest sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil may running joke na, “kumpleto na ang showbiz career kapag nag-guest ka sa Ang Probinsyano dati at Batang Quiapo naman ngayon.”

At tungkol naman kay Julia ay natapos na ang seryeng “Saving Grace” at may gagawin daw siyang dalawang pelikula under Star Cinema at Cornerstone Studios.

“Hindi pa puwedeng sabihin pero dream project ko, ‘yung isa, surprise sa tao (ang role), tapos ‘yung isa dream project ko,” pahayag ng aktres.

Tinanong namin kung makakasama niya si Coco sa pelikula, “Malay n’yo?” tumawang sagot ng aktres.

“Yung isa ay sobrang blessed ko at sabi kong dream project ko kasi sa edad kong ito ay makaka-work ko sila, mga premyadong actor na and this time ay hindi ko ini-expect na mabibigyan ako ng chance,” say ni Julia.

Samantala, operational na ang online food business ni Julia na katuwang niya si Coco pero ang restaurant nila ay hindi pa nasisimulan dahil may mga inaayos pa sa puwestong nakuha ng dalaga sa bandang Novaliches para raw matutukan niya ito dahil malapit ito sa bahay nila.

Aniya, ihahain nila sa kanilang itatayong restaurant ang mga pagkain na recipe ng lola niya kaya ang pangalan ay “Recipes ni Lola”

“It’s a small private dining lang na ike-cater ko kasi gusto naming ipa-experience ‘yung kinakain namin gabi-gabi na luto ni lola at ma-share sa tao. Parang part of our lives through food,” kuwento ng aktres.

Hindi raw part si Julia sa dishwashing business ni Coco dahil kapamilya ng aktor ang kasosyo rito.

“Kanila po ‘yun, support lang ako ang ganda ng vision nila bagay sa kanila,” sambit pa niya.

Bukod sa food business ay may isa pang negosyo ang aktres at kasosyo niya ang kanyang handler na si Mac Merla na tungkol naman sa vitamins/supplements na ilo-launch na nila soon.

Inamin din ng aktres na pinaghahandaan na talaga nila ang future kaya negosyo ang naisip nilang itayo habang kumukita pa sila ngayon sa showbiz na alam ding hindi ito permanente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, dahil sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Iran, Israel at Amerika ay hindi matutuloy sina Coco at Julia sa pagpunta sa iba’t ibang bansa sa Africa.

Isa sana ang Kenya kung saan magaganap ang “Kapamilya Live in Kenya” sa Hunyo 28 sa Nairobi Cinema para magpasalamat sa patuloy na pagsuporta sa mga programa nang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending