‘Two gives’ bigtime oil price hike ngayong linggo

File photo
PINAGBIGYAN ng mga kompanya ng langis ang Department of Energy (DOE) na pagaanin para sa mga motorista ang bigtime oil price hike ngayon linggo.
Pumayag ang mga kompanya ng langis na gawing installment o dalawang bigay ang ipapatupad na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ang Shell Pilipinas, P1.75 muna ang ipapatong sa presyo ng gasolina, P2.40 sa kerosene o gaas at P2.60 sa diesel o krudo, simula bukas.
Sa araw ng Huwebes, Hunyo 26, muling magtataas ng P1.75 ang kanilang gasolina, P2.40 sa kerosene o gaas at P2.60 muli sa diesel o krudo.
Ang Caltex ay P2.25 muna ang ipapataong sa kanilang gasolina, P3.45 sa diesel o krudo at P3.20 naman sa kerosene.
Makalipas ang dalawang araw, P1 ang muling madadagdag sa halaga ng kanilang gasolina, P1.50 sa krudo at P1.40 sa gaas.
Samantala, ang gasolina namann sa Petron ay magtataas na ng P1.75. bukas, P2.60 sa krudo at P2.40 sa gaas.
At pagsapit ng Huwebes, P1.75 muli ang ipapatong nila sa gasolina, P2.40 sa gaas at P2.60 muli sa krudo.
Ang Seaoil magdadagdag na ng P1.75 sa kanilang gasolina bukas at katulad na halaga sa Huwebes.
Itataas nila ang presyo ng krudo ng P2.60 at uulitin sa Huwebes at P2.40 sa kerosene at katulad din na halaga sa Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.