Esnyr Ranollo, Charlie Fleming pasok sa PBB Big 4; 2 duo walang boto

Charlie Fleming at Esnyr Ranollo
NAGPIYESTA ang mga fans nang ihayag sa nakaraang episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” na pasok na sa Big 4 ang ChaRes duo nina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.
Sina Charlie at Esnyr ang nakakuha ng unang spot sa Big 4 matapos ang naganap na botohan ng House Challengers at ng natitirang Final 5 duos.
Bumalik sa Bahay ni Kuya ang na-evict na celebrity housemates bilang mga house challengers na binubuo ng mga na-evict na housemates na sina Ashley Ortega, AC Bonifacio, Kira Balinger, Michael Sager, Emilio Daez, Josh Ford, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Shuvee Entrata, at Klarisse de Guzman.
Bukod sa ChaRes, kabilang din sa Final 5 Duos ang RaWi nina Ralph de Leon at Will Ashley, AzVer nina AZ Martinez at River Joseph, BreKa nina Brent Manalo at Mika Salamanca, at DusBi nina Dustin Yu at Bianca de Vera.
Bago ang intense na botohan ay isa-isang na-hot seat ang limang duos sa pagharap nga nila sa House Challengers kung saan sinagot nila ang mga maiintriga at personal na tanong, kabilang na riyan ang question kung dapat ba silang mapasama sa Big 4.
Matapos ang voting segment, nakakuha ng 11 votes (siyam mula sa House Challengers at dalawa sa kapwa nila housemates) ang ChaRes kaya pasok agad sila sa finals.
View this post on Instagram
Tigdalawang boto naman ang nakuha ng RaWi at AzVer habang walang bumoto sa BreKa at DusBi.
Samantala, inihayag naman ng host ng iconic reality show ng ABS-CBN na napapanood ngayon sa GMA na si Bianca Gonzalez ang mangyayari sa apat na natitirang duos.
Sasabak sa tatlong “Big Jump Challenges” ang RaWi, AZVer, BreKa, at DusBi kung saan kukunin ang tatlo pang papasok sa Big 4.
Magaganap ang Big Bight ng “PBB Celebrity Collab Edition” sa darating na July 5 kaya naman abangers na ang madlang pipol kung sino nga ba ang tatanggaling Big Winner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.