Socmed personality naimpeksiyon sa utot ng ex-dyowa

Socmed personality naimpeksiyon sa utot ng ex-dyowa, kailangang operahan

Ervin Santiago - June 24, 2025 - 08:00 AM

Socmed personality naimpeksiyon sa utot ng ex-dyowa, kailangang operahan

Photo from Southern California Sinus Institute

TINAMAAN ng matinding impeksyon sa sinus ang isang social media personality matapos umanong maututan sa mukha ng dati niyang karelasyon.

Pitong taon na raw na pinahihirapan ng malalang sinus ang Amerikanang si Christine Connell dahil sa nakuhang infection sa ilong noon pang 2015.

Sa pamamagitan ng kanyang TikTok, ibinahagi ni Christine na nakuha raw niya ang iniindang sakit mula nang malanghap ang utot ng dati niyang dyowa.

Ayon sa social media influencer, hindi naman daw sinasadyang mapautot ang kanyang hubo’t hubad na ex habang nagbibihis sa loob ng kuwarto ng hotel na kanilang tinutuluyan.

Nakaharap daw sa kanya ang puwitan ng lalaki kaya naman swak na swak raw sa face nang magpasabog ng utot ang dating boyfriend.

“That is when the fart happened. I’ve never, ever, ever smelled anything that compares to that.

“How does that get in your sinuses unless you have a boyfriend who farts disgustingly and you are forced to inhale it because you are immobile after ankle surgery?” sabi ni Christine.

Ilang araw ang lumipas nang magsimula na nga siyang makaranas ng mga sintomas ng iniindang karamdaman kabilang na ang nasal congestion, sipon, lagnat at matinding pananakit ng ulo.

Ayon sa mga doktor na tumingin sa kanya, naimpeksyon ang kanyang sinuses ng E. coli, na isang uri ng bacteria na karaniwan lamang na natatagpuan sa bituka.

Sabi ng mga eksperto, ang bacteria ay maaaring pumasok sa katawan ni Christine dahil mahina ang kanyang immune system dahil kakaopera lamang niya noon.

Kuwento pa ni Christine, sa kabila ng mga ibinigay na gamot sa kanya, pabalik-balik lamang ang kanyang impeksiyon. Kaya naman pinayuhan na siyang sumailalim sa operasyon para tanggalin ang infected sinus tissue.

“They’re going to use general anesthesia to go up there and physically scrape off where the bacteria has been and really wash it and get all of the infected tissue out of there,” pahayag ng socmed personality.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbigay din ng payo si Christine sa publiko na iwasang maututan sa mukha ng kahit na sino, “I realised that my ex-boyfriend got the best possible break-up revenge that anyone could ever get.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending