Sikat na aktor nag-aalala sa ex-dyowang aktres, biglang nagbago

Sikat na aktor nag-aalala sa ex-dyowang aktres, biglang nagbago ang ugali

Reggee Bonoan - June 24, 2025 - 07:55 AM

Sikat na aktor nag-aalala sa ex-dyowang aktres, biglang nagbago ang ugali

Guess, guess who!?

INAMIN ng aktor sa mga kaibigan niyang super close sa kanya na nag-aalala siya sa kanyang ex-girlfriend dahil may napapansin siyang pagbabago sa pagdedesisyon nito sa buhay.

Sumang-ayon ang mga kaibigang super close sa aktor dahil napansin din nilang iba na rin ang pakikitungo ng dating dyowa ng kaibigan nila sa kanila.

“Dati kasi nangungumusta pa si ___ (ex-girlfriend), tapos masayang nagkukuwento ng mga nangyayari tapos pinapakumusta rin niya si ____ (aktor) na ramdam naming concerned pa rin,” say ng aming source na parehong malapit sa ex-couple.

Hanggang sa biglang naputol na raw ang komunikasyon ng ex-girlfriend ng aktor sa super close friends nila at nang minsang nagkita sa isang event ay halatang umiiwas na ang dalaga.

“Siyempre nagtataka ang mga super close friends, anyare? Bakit bigla na lang waley na?” sabi pa ng aming source.

Sabi namin, baka sadyang itinigil na ang komunikasyon para tuluyan nang maka-move on dahil kung patuloy pa ring nagkukumustahan, e, paano nila malilimutan ang isa’t isa.

“Hindi iba, may something na nabago, basta iba,” say pa ng aming source.

Tsika ng aming kausap ay wala na rin naman daw planong balikan ng aktor ang ex-girlfriend dahil marami nang nabago sa kanilang dalawa.

“Feeling awkward na rin kasi si aktor at nagbigay ng ultimatum sa sarili dahil concerned pa rin siya bilang kaibigan na lang since may pinagsamahan naman sila,” sambit ng aming source.

Maraming nagsasabi na may nagpapasaya na ngayon sa puso ng ex-girlfriend pero wala namang inaamin ang dalaga. Pero ang dalawa sa trusted friends niya ay umaming meron nga.

Nabanggit pa na may planong mag-abroad ang ex-girlfriend para magbakasyon nang matagal pero sitsit ng aming source, “Hindi naman ‘yan maglalalabas ng hotel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumawa nang malakas ang kausap namin at sabi namin, “Sayang naman ang magagandang views sa bansang pupuntahan kung magtutulog lang sa hotel.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending