Ashley ayaw pa ring kausapin ng ina: I'm always reaching out

Ashley Ortega ayaw pa ring kausapin ng ina: I’m always reaching out

Ervin Santiago - June 24, 2025 - 12:10 AM

Ashley Ortega ayaw pa ring kausapin ng ina: I'm always reaching out

Ashley Ortega

MALUHA-LUHANG inamin ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap nang personal ang kanyang nanay.

Inilantad ng dalaga ang hindi nila pagkakaunawaan nilang mag-ina habang nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya bilang isa sa mga housemate ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Nagpakatotoo si Ashley sa pagsagot nang matanong tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang nanay ngayong nasa outside world na siya.

“Honestly we’re still working on it. Sobrang tagal rin kasi ng three years na hindi pag-uusap and malalim rin po talaga ‘yung sugat na nabigay namin sa isa’t isa,” ang pahayag ni Ashley sa panayam ng “24 Oras.”

“I’m always reaching out pero baka need time pa,” sabi pa ng aktres.

Rebelasyon pa ni Ashley, hindi pa rin daw siya kinakausap ng kanyang nanay sa kabila ng mga naging pahayag niya noong ikuwento niya habang nasa Big Brother house ang pinagdaraanan nilang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

“I tried po talaga, kakalabas ko lang, kasi nakatanggap rin naman po ako ng letter sa kanya. Also on Mother’s Day, I tried. I messaged her,” ang lumuluhang sabi ni Ashley.

Matatandaang inamin ng aktres sa loob ng “PBB” na tatlong taon na silang hindi nag-uusap at nagkikita ng kanyang ina, pero umaasa pa rin daw siya na mapapatawad siya nito.

Nang makalabas sa Bahay ni Kuya, pinuntahan daw niya ang ina sa bahay nito pero wala raw tao kaya iniwan na lamang niya ang dalang bulaklak na balak sana niyang ibigay dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending