Dennis sa basher ng anak ni Jennylyn: Hiyang-hiya ako sa pagmumukha mo! | Bandera

Dennis sa basher ng anak ni Jennylyn: Hiyang-hiya ako sa pagmumukha mo!

Ervin Santiago - June 23, 2025 - 08:39 PM

Dennis sa basher ng anak ni Jennylyn: Hiyang-hiya ako sa pagmumukha mo!

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

PINATULAN ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang ilang bashers na nagkomento tungkol sa panganay na anak ng kanyang asawang si Jennylyn Mercado.

Binarag ni Dennis ang mga netizens na naging insensitive sa health condition ng 16-anyos na anak ni Jennylyn sa dating karelasyong si Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Nag-post kasi si Jen sa kanyang social media page nitong Linggo, June 22, ng isang video kung saan mapapanood ang bonding moments nila ng mga anak nila ni Dennis na sina Alex Jazz at Calix sa isang mall.

Si Calix ay ang 17 years old na anak naman ni Dennis sa dati niyang partner na si Carlene Aguilar.

Sabi ni Jennylyn sa caption ng kanyang Facebook at Instagram post, “Spending the day with my boys, discovering wonders and picking up some cool stuff at the National Geographic store.”

Kasunod nito ay may mga netizen nga na nagkomento tungkol kay Jazz. Reaksyon ng isang FB user, “Parang may autism anak ni Jen.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Sinagot naman siya ni Dennis ng, “May problema po ba kayo sa may autism?”

Pansin naman ng isa pang netizen sa kilos ni Jazz, “Parang malamya.”

Bwelta ni Dennis sa kanya, “Wow hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo.”

Knows naman ng publiko na na-diagnose si Jazz ng Autism Spectrum Disorder o ASD na ayon sa isang heath website ay isang “neurodevelopmental condition” na karaniwang lumilitaw sa maagang bahagi ng pagkabata.

Ang mga batang may ASD ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa komunikasyon, pakikipag-ugnayan sa ibang tao, at pag-uugali.

Mababasa rin sa FB page ni Jennylyn ang comments ng netizens na nagtatanggol sa Kapuso celebrity couple at kay Jazz.n Narito ang ilan.

“Sa pnhon ngyon bkit tinitignan na ng tao kung my diperenxa o wala ang nisang tao hndi ba pedeng pnty nlng ntin tignan at norml lng ntin tignn, hndi nmn cgro kwalan sa inyo mging mbuting mbuting tao kung wlaang mgndang ssbhn srilinin nyo nlng.”

“Halatang magkapatid talaga ang turingan nila Jazz at Calix. Galing ng pagpapalaki. God bless Jen and Dennis sa family niyo.”

“Ang bait ng anak ni Dennis Trillo!!! Nakakahanga ang values na taglay ng batang ito.nakakahanga ang pagaalaga nya sa anak ni Jen.”

“Saludo kina Jen at Dennis, ganda ng pagpapalaki niyo sa mga anak niyo.”

“Sa panahon ngayon bakit tinitignan na ng tao kung may diperensya o wala ang isang tao. Hindi ba pwedeng pantay at normal na lang natin tignan, hindi naman siguro kawalan sa inyo na maging mabuting tao. Kung walang magandang sasabihin, sarilinin niyo nalang.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napakaganda ng bonding nila kahit step mom at step dad. Para din silang pamilya at anak talaga ang turing nila.”

May sariling anak na ngayon sina Dennis at Jennylyn, ang three-year-old daughter nilang si Dylan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending