2 lalaki nasagip sa manhole, muntik malunod; QCPD nagbabala

2 lalaki nasagip sa manhole, muntik malunod; QCPD nagbabala

Pauline del Rosario - June 23, 2025 - 12:20 PM
https://bandera.inquirer.net/419700/chikapalaran-june-23-june-29-2025-alamin-ang-iyong-horoscope-ngayong-linggo
PHOTO: Screengrabbed from video uploaded by Jhay Ar Almeniana via QCPD

MAY paalala ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko hinggil sa panganib ng pagpasok sa mga drainage system.

Ito ay kasunod ng viral video kung saan makikitang may dalawang lalaking nasa loob ng isang manhole sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City.

Sa pahayag ng QCPD kamakailan, kinumpirma nilang naganap ang insidente malapit sa Trinoma Landmark bandang alas-2 ng hapon noong June 16.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang dalawang lalaki ay inupahan ng kanilang kapitbahay upang ayusin ang sirang hose ng tubig na nasa ilalim ng drainage system sa lugar.

Baka Bet Mo: Pulis todo bantay na sa kalsada, titiktikan ang open manholes at sirang ilaw

Habang isinasagawa ang pagkukumpuni, biglang bumuhos ang ulan na naging dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig sa loob ng drainage.

“To avoid being trapped, the two searched for an alternative exit and eventually found a small opening in the drainage system. They were seen calling for help, as captured in the viral footage,” sey ng pulisya.

Dahil diyan, nagpayo ang QCPD sa publiko na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na awtoridad bago magsagawa ng anumang underground works o repair, lalo na kung may banta sa kaligtasan at higit sa lahat ngayong panahon ng tag-ulan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending