Nanay lang ni VP Sara ang ‘legal wife’ ni Rodrigo Duterte: Matalino talaga!

NAG-IISANG “legal wife” at tanging nagmamay-ari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang asawa nitong si Elizabeth Zimmerman.
Iyan ang ipinagdiinan ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng chikang may iba pang babaeng naging karelasyon umano ng kanyang Tatay Digong.
Ayon kay VP Sara, ang tanging nanay nila nina Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pinakasalan ng dating presidente.
May kumakalat kasing chika na bukod sa common-law partner ngayon ni Digong na si Honeylet Avanceña, ang ina ni Veronica “Kitty” Duterte, ay may iba pa raw babaeng nagke-claim na naging dyowa ng dating pangulo.
Baka Bet Mo: Harry Roque ibinuking dahilan ng patuloy na pagpayat ni Rodrigo Duterte
Pahayag ni VP Sara sa naganap na “Free Duterte Now” event sa Melbourne, Australia, kahapon, June 22, ang nanay pa rin nila ang nananatiling legal wife ng kanilang ama, kahit na matagal na silang hiwalay.
Kaya naman lahat ng naging karelasyon ni Digong ay maituturing na “girlfriends” lamang.
“Talino talaga ‘tong si President Duterte. Hindi siya nag-asawa ulit. No’ng sila ay naghiwalay ng nanay ko, hindi na siya nag-asawa ulit.
“And therefore ngayon, wala sa kanila ang makapagsabi na siya ang puwedeng pagmamay-ari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil lahat sila, ay pare-parehong girlfriend lang,” pahayag ng bise presidente.
Nitong mga nagdaang araw, kumalat sa social ang mga chikang nag-uugnay kay Duterte at at Cagayan de Oro Councilor Joyleen “Girlie” Balaba.
Nauna rito, nag-post naman ang anak ni Digong na si Kitty sa Facebook ng mahabang mensahe tungkol sa isang taong malapit noon sa kanyang ama, na nagtatraydor umano ngayon sa dating pangulo.
“It has come to our attention that a certain individual that has formerly worked or has been associated with my father, PRRD, has been making claims about the duties that they have performed for him.
“Some of the details even include trying to act as his partner, in order to gain access, and visit him to get information, to be used for some unkind purpose,” ang post ni Kitty.
“Do your ‘friends’ know about the inappropriate messages you sent PRRD? Well, your family does. To this certain individual, I am telling you that if my mother has been tolerating your behavior, I will not.
“We have totally different temperaments and should you show that audacity you have, you come up to me,” matapang pang pagbabanta ni Kitty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.