Kris Aquino 3 weeks naging dyowa ni Anjo Yllana: Nabaliw ako nu’n!

Kris Aquino at Anjo Yllana
NAALIW kami sa panayam ni Snooky Serna kay Anjo Yllana sa kanyang YouTube channel dahil ibinuking ng aktor na naging girlfriend niya si Kris Aquino ng tatlong lingo.
Sa segment na “Pick A Name” ng vlog ni Snooky ay nabunot ni Anjo ang pangalan ni Kris at natawang sabi niya, “Never kong pinag-usapan.”
Nabanggit ni Snooky na na-link noon romantically ang dalawa.
“Yeah, we had one or two movies (Pempe ni Sara at Pen, 1995 at guesting sa Palibhasa Lalaki) tapos naging kami for a while (natawa). Ngayon ko lang ikukuwento ‘to, tutal matagal na ‘to, eh,” kaswal na sagot ng aktor.
Hirit ni Snooky, “Hindi ko alam ‘to.”
“Hi, Mare! Kumare ko ‘yan si Kris (binati rin ni Kooky) inaanak ko si Joshua. Natatawa ako pag babalikan, ‘wag sanang magalit si Ms. Kris,” say ni Anjo.
Pagpapatuloy ng aktor, “Nu’ng medyo kami pa…ano lang kami parang three weeks. Nag-break kami ni Kris kasi dumalaw ako sa kanya nagdala ako ng flowers.
“‘Yung flowers ko parang galing Baguio (City). May matataas na stem na roses (sabay muwestra) alam mong galing sa ibang bansa (Hybrid Teas Roses).
View this post on Instagram
“Sabi ko, kanino galing ‘yang roses na ‘yan (biniro si Kris), ‘oh, it came from Robin (Padilla).
“Sabi ko, ‘nanliligaw ba sa ‘yo si Robin?’
“’Oh, he’s my boyfriend,’” sagot daw ni Kris.
Bakik-tanong daw ni Anjo, “Huh! Boyfriend mo si Robin, boyfriend mo rin ako?”
Sagot ulit ni Kris, “Yeah, including Aga (Muhlach).’
Tawang-tawa naman si Snooky sa kuwento ni Anjo na tawa rin nang tawa sa kanyang pag-amin.
Sabay sabing, “So, nabaliw ako nu’n (tigas ng iling), nabaliw ako nu’n. Sabi ko sa kanya, ‘ikaw baliw ka, magkaibigan na lang tayo. Wala! Walang mangyayari sa atin nito.’ Hanggang sa naging super close (kami), bestfriend ko yang si Kris. Panahon ni Kuya Ipe (Salvador) nandoon ako para sa kanya.
“’Yung pagbubuntis niya (kay Joshua), I was there. I was telling her, ‘alam mo si kuya Ipe hindi na tatanggapin ng pamilya mo kasi nagkaroon ng asawa’t hiwalay. Sabi ko, ‘your child imposibleng hindi tanggapin ni mommy mo, si Tita Cory, imposibleng hindi tanggapin ng mga kapatid mo kasi dugo nila ‘yan.
“’Wag mo na isipin ‘yan kasi nakaka-ano (apekto) lang ‘yan sa pagdadalang-tao mo. Basta I promise you (that) your family will accept your child,” pahayag ni Anjo.
Tanong ni Snooky sa aktor, “So parang for a long time Anj (tawag sa aktor) even for now ay naging confidante ka ni Kris?”
“Nu’ng panahong ‘yun (sabi ni Kris), ‘because you’re here with me, you’ll be the number one (sa) ninong. Kaya nu’ng pumunta ako (binyag) puro mga barkada ni kuya Ipe,” pag-alaala ng aktor.
Nasira ang naging samahan nina Kris at Anjo dahil kay Tsong Joey Marquez.
“Nagkahiwalay kami ng landas nu’ng nag-away sila ni Joey Marquez, remember that, malaking issue ‘yun!” diin ng aktor.
Ang sinasabing malaking isyu ay nangyari noong 2003 nang aminin ni Kris sa national television na nagkaroon siya ng sakit na STD o sexually transmitted disease.
“Malaking gulo ‘yun, siyempre kinampihan ko si Joey (at) wala na, hindi na ako friend ni mareng Kris. Pero pag nagkikita naman kami kunwari sa eroplano sabi niya, ‘Hi pare.’ Ha-hahahaha! Ganu’n lang,” kuwento ni Anjo.
Dagdag pa niya, “Sa pinagdaraanan niya ngayon kahit may ilang taong tinitira siya sa pinagdadaanan niya, I think more than 90% sa showbiz, mahal ka ng industriya kaya ‘wag mong isipin na lahat ng taga-showbiz hindi ka gusto.
“Mahal ka ng mga taga-showbiz at naiintindihan nila ang kalagayan mo. Minsan kasi may bira kay Kris na umaarte lang, keep strong, keep fighting. Kawawa naman si mare, dalawa anak niya wala na nga siyang love.”
Sabi naman ni Kooky, “Ako hanga ako kay Kris sa katatagan niya, she’s so strong and she’s so strong in her faith.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.