Sikat na aktres binubugbog ng dyowang aktor kaya nakipaghiwalay

Sikat na aktres binubugbog ng dyowang aktor kaya nakipaghiwalay

Reggee Bonoan - June 22, 2025 - 09:56 PM

Sikat na aktres binubugbog ng dyowang aktor kaya nakipaghiwalay na

Guess, guess who!?

TRULILI kaya ang kuwento ng aming source tungkol sa kilalang aktres na sinasaktan ng kanyang dyowang aktor kaya nakipaghiwalay na siya?

Makailang beses na raw nakatikim ng verbal at physical abuse ang aktres mula sa aktor na sa simula ay humihingi kaagad ng sorry at nangangakong hindi na mauulit, pero naulit nang naulit kaya tuluyan nang iniwan ng dalaga ang binata.

Tahimik muna ang drama ng aktres base sa payo ng kanyang pamilya dahil nga may karera siyang iniingatan at higit sa lahat, sangkaterba ang kanyang endorsements at may mga under negotiation pa na daang milyones ang presyo.

Ito rin ang payo ng kanyang management agency na tumahimik na lang muna at higit sa lahat, hindi rin siya magpapainterbyu sa media.

“Di ka ba nagtataka, tahimik ang mudrabels niya, e, di ba konting ano lang sa mga anak, nagsasalita na? E, kasi nga malaking halaga ang mawawala sa anak, kaya tiisin na lang daw muna,” say ng aming source.

Dagdag pa,ng kausap namin, “Naku, nalaman na nga ito ng iba pang kaanak ng aktres kaya galit na galit sila at parang sila na mismo ang maglalabas ng katotohanan at pag nangyari iyon, lagot ang endorsements.”

Hindi masyadong binanggit ng aming source ang aktor dahil parang wala naman daw mawawala rito kapag naisapubliko ang pananakit niya sa ex-dyowang aktres.

Samantala, ang aktor na ex ng aktres ay panay pa rin daw ang panunuyo sa kanya pero hindi na siya pinapansin ng dalaga at maging ng pamilya nito.

“She’s ____ (aktres) slowly moving on at magugulat ka na lang kung ‘the who’ ang shoulder to cry on niya ngayon,” sabi pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending