Robin: Ang Pinoy politika pa rin almusal, tanghalian at hapunan

Robin Padilla: Ang Pinoy politika pa rin ang almusal, tanghalian at hapunan

Ervin Santiago - June 22, 2025 - 09:26 AM

Robin Padilla: Ang Pinoy politika pa rin ang almusal, tanghalian at hapunan

Robin Padilla

BAD trip si Sen. Robin Padilla sa mga Pilipino na tila wala umanong pakialam sa tumitinding tension sa pagitan ng Israel at Iran.

Pinangangambahan ngayon ang posibleng pagsiklab ng digmaan dahil nga sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Iran at Israel.

Nitong nagdaang Biyernes, June 13, naglunsad ang Israel ng malawakang pag-atake sa Iran na pinangangambahang maging mitsa ng giyera sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagbahagi ng kanyang saloobin si Sen. Robin hinggil dito kung saan lantaran niyang binanatan ang mga Pinoy na puro politika raw ang inuuna.

“Ang lahat ng bansa ngayon ay nakabantay at naghahanda sa magiging epekto sa ekonomiya at seguridad ng gera ng Israel at Iran.

“Pero ang Pinoy ‘Pulitika pa rin ang almusal, tanghalian, merienda at hapunan,’” ang hugot ng actor at politiko.

Walang partikular na isyu sa politika na binanggit ang senador sa kanyang FB post ngunit ang feeling ng mga netizens ay tinutukoy niya ay ang kontrobersyal na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nauna rito, nagbahagi rin si Sen. Padilla sa FB ng kanyang nalalaman tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo. Narito ang buong pahayag ng asawa ni Mariel Rodriguez.

“Ako kailanman Hindi naging personal ang aking mga isyu sa administrasyon kayat ang aking salmo ay patungkol sa napipintong karahasan na parating Nagbabala na ang Ruso pati na rin ang mga Tsino.

“Kulang na sa 2 linggo ang palugit ni Trump at papasok na sila sa Israel- İran war at Kapag nangyari ito maaring kumalat na sa buong region ng middle east ang kagulohan.

“Aking mungkahi na magkaroon na ng malawakang public information sa usapin ng ano talaga ang ating posisyon sa gera na ito.

“Malinaw sa Mutual defense Treaty ng Pilipinas at America ang salitang PACIFIC…The Mutual Defense Treaty between the Philippines and the United States, signed in 1951, commits both nations to act in concert to meet common dangers if either is attacked in the Pacific area.

“Sa usapin na ito sigurado magkakaroon ng kumplikadong mga debate galing sa mga abogado at pulitiko pero wala na tayong Oras para sa pagalingan.

“May mga nagsasabi na maging neutral pero paano tayo magiging neutral Kung meron tayong MDT. Kapag Inatake ang Amerika meron pa ba tayong oras para dumaan sa constitutional processes. . “Meron ba tayong sapat na kakayahan para depensahan ang mga Amerikano na nasa Pacifico.

“In shaa Allah bago sana tayo madamay sa kagulohan na ito. Magkaroon na sana ng malawakang public information sa pinakamahalagang isyu at yun ay paano ang pagtugon sa maaaring pagkawala ng mga basic na pangangailangan ng taongbayan kapag natuloy ang fireworks ng mga dambuhalang mga bansa (wag po sana ipahintulot ng Panginoong Maylikha).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Stop the war. Stop the killings. No to world war 3.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending