Ayaw sa eyeball (2) | Bandera

Ayaw sa eyeball (2)

Joseph Greenfield - November 26, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Louise ng Janiuay, Iloilo
Problema:
1.     Nagmula ako sa angkang dukha at hindi ko alam kung isinumpa nga kami dahil kahit may nagsisikap sa amin ay hindi kami umaangat at nakatitikim ng ginhawa sa buhay.  Wala pa akong boyfriend, pero kung magkakaroon man ay pera ang titingnan ko at hindi ang pagkatao, lalo pa’t mahirap din pala siya.  May textmate ako, pero ayaw niyang magpakilala.  Secret admirer lang daw.
2. Baka matanda ito dahil wala namang secret admirer sa panahon ngayon.  Madalas siyang nagpapadala ng load kaya sinasagot ko naman ang mga text niya.  Sa kanyang mga text, parang nakikita niya ako pero hindi ko siya kilala dahil sinasabi niya kung ano ang suot ko.  Baka siya yung binasted ko.  O baka siya yung hinahangaan ko.  Minsan ay niyaya ko siyang mag-eyeball, pero ayaw muna niya.  Makikilala ko kaya siya at magkikita kami?
Umasa,
Amisa ng Louise ng Janiuay, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ay nagsasabing ang misteryosong  textmate mo na ayaw pang magpakilala sa iyo ay siguradong nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang mahiwagang textmate ay isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, o kaya’y 29.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na hindi masyadong bilugan at hindi rin masyadong pahaba, sa halip ay katamtaman lang, ang nagsasabing ang mahiwagang textmate ay maaaring payat na maputi hanggang sa balingkitan ang pangangatawan, laging naka-ayos o naka-gel at makislap ang buhok at higit sa lahat neat at magaling magdala ng damit.
Luscher Color Test:
Kung saan, ang lalaking ito ay mahilig sa kulay na asul at puti. Bukod sa disenteng kumilos may kaya o mayaman ang pinanggalingan nyang pamilya. At ang isa pang magandang balita, siya ay nakapag-aral na tulad mo rin, binata at walang girlfriend.
Biorhythm
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ang graph ng emosyon sa taon ito,  na nangangahulugang sa nasabing panahon asahan mo nang bigla kayong magkikita at sa pagkikita ninyong iyon, mabubuo ang masaya at panghabambuhay na relasyon.
Huling payo at paalala:
Louise, ayon sa iyong kapalaran kung wala ka pang boyfriend  ngayon, ayos na ayos, dahil wala pa ring girlfriend ang textmate mo at mahal na mahal ka niya. Kaya naman sa una ninyong pagkikita na magaganap sa taon ding ito, tulad ng inaasahan, mabubuo ang matimyas at masayang pagmamahalan na sa bandang huli ay hahantong sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending