Tulfo sa kaso ni Imburnal Girl: Kung ako, paiimbestigahan ko

Erwin Tulfo sa kaso ni Imburnal Girl: Kung ako, paiimbestigahan ko yun

Ervin Santiago - June 22, 2025 - 12:25 AM

Erwin Tulfo sa kaso ni Imburnal Girl: Kung ako, paiimbestigahan ko yun

Erwin Tulfo at Imburnal Girl

KUNG si Senator-elect Erwin Tulfo ang masusunod, dapat daw ay masusing inimbestigahan ang kaso ng viral “Imburnal Girl“.

Ito’y kaugnay ng kontrobersyal na isyu tungkol sa patuloy na pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino.

Nagbigay ng saloobin si Sen. Erwin hinggil sa babaeng lumabas sa imburnal sa Makati nitong nagdaang buwan na binigyan ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinuwestiyon at kinontra ng mga netizen ang pagbibigay na P80,000 ng DSWD sa tinaguriang Imburnal Girl at ang planong gawin itong ambassador ng ahensiya.

Hindi raw ito makatarungan dahil marami pa raw mas deserving na mga Pinoy ang dapat tulungan ng DSWD lalo pa’t inamin din ni Imburnal Girl na gumagamit siya ng ilegal na droga.

“Kung ako ang tatanungin mo, dapat in-interview. Hindi na trabaho ni Secretary (Rex Gatchalian) mag-interview du’n sa tao. Sana nag-imbestiga. Kung ako ho ‘yun, papaimbestigahan ko ho ‘yun,” ang pahayag ni Sen. Erwin sa panayam ng media.

Aniya pa, “So, ang may mali rin do’n…ay ‘yong mga nasa baba; nasa paligid ni Secretary. Kasi it’s not job of the secretary to investigate.”

“Ganito lang ho yan, e, hangga’t meron pong mga Pilipino na hindi po kayang tumayo sa sarili po nilang paa, kailangan po ng ayuda.

“Kapag inalis mo po ‘yan, saan pa po pupunta ‘yong mga indigent para po pampalibing, pampaospital?” mariing sabi pa ng dating broadcast journalist.

Nauna rito, dumepensa na rin ang DSWD sa sentimyento ng publiko tungkol sa pagbibigay ng ayuda kay Imburnal Girl at sa isyu ng paggamit nito ng droga.

Knows daw ng ahensya ang pagbibisyo nito at wala silang pinaiiral na diskriminasyon sa mga indibidwal na naninirahan sa kalye na kanilang tinutulungan.

Samantala, aminado naman si Sen. Tulfo na totoong naaabuso at nagagamit ang ayuda lalo na nitong nagdaang 2025 midterm elections pero naniniwala siya na matalino na ngayon ang mga botante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami hong natalo. Nagbigay ho ng ayuda pero natalo dahil wala po silang konkretong proyekto para po do’n sa distrito niya, para po do’n sa bayan, sa probinsya niya,” pahayag ng senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending