Romnick Sarmenta may binanatan: Inosente pero 16 kinuhang abogado!?

Romnick Sarmenta
MATAPANG na naglabas ng kanyang saloobin ang award-winning actor na si Romnick Sarmenta tungkol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Wala mang binanggit na pangalan ang premyadong aktor ay naniniwala ang mga nakabasa nito na may kaugnayan ang kanyang pahayag sa kontrobersyal na impeachment trial ni VP Sara.
Nag-post si Romnick sa kanyang X account hinggil sa umano’y isang “inosente pero 16 ang kinuhang abogado” para sa kinasasangkutang kaso.
Ani Romnick sa kanyang June 19 X post, “Wala. Wala akong masabi…
“Inosente pero labinganim ang kinuhang abogado.”
“Led by the Holy Spirit pero nagpapalaganap ng fake news.
“Tapos ng pag aabugado pero di nagbabasa ng konstitusyon.
“Nagpapabayad ng buwis pero di nagbabayad.
“Namumuno pero walang pangunguna.
“Wala talaga,” ang buong pahayag ng aktor.
Naniniwala ang mga netizen na nakabasa nito na ang pinatututsadahan niyang “inosente pero 16 ang kinuhang abogado” ay ang bise presidente.
Isa si Romnick sa mga kilalang celebrities na walang takot na nagbabahagi ng kanyang saloobin at paniniwala tungkol sa iba’t ibang issue sa gobyerno at mga problema ng mga Pilipino.
Matatandaang noong Lunes, June 16, inilabas ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol ang kopya ng Appearance – Ad Cautelam.
Nakasaad dito na ang 16 na abogado ni VP Sara para sa kanyang impeachment trial, ay magmumula sa Fortun Narvasa & Salazar law firm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.