HOROSCOPE, November 26, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Bagamat may lungkot na nadarama, magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Sa pag-ibig may masarap na romansang mararanasan. Sa pananalapi malapit ng matupad ang pagdating ng malaking halaga ng salapi.  Mapalad ang 2, 19, 23, 38, 41at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Orange at blue ang buenas
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, madaragdagan ang iyong gastusin, dahil malapit na naman ang kapaskuhan. Kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kailangan mong sumikat at makisalamuha sa lipunan, sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa weekend na ito maki-join sa mga gawaing may kaugnayan sa politika. Sa ganyang paraan magkakapera ka na may panibagong pag-ibig pang darating. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag pang hinaan ng loob. Kung lalakasn mo lang ang iyong loob, nuon pa sana – mayaman ka na! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag umasa sa iba. Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig ikaw ang dapat magsikap upang muling uminit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salapi na makakamit. Sa pag-ibig, umiinit ang pakiramdam ng kasuyo yayain mong siyang mag-swimming.  Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig upang sumarap ang pasok ng Disyembre, lambingin ang kasuyo tuwing sasapit ang madaling araw.  Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arantayanan-Kebanam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Iwasang maging mayabang.  Mas mabilis na uunlad kung patuloy na nagpapakumbaba. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, alalahinin mong may sarili siyang pagkatao at pagiisip. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Baguhin ang istilo sa pagta-trabaho, dagdag na sipag ang dapat upang mas mabilis na kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, dagdagan ng init ang pakikipag-romansa sa kasuyo upang hindi ka nya palitan. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—‘Wag mag-isip ng kung ano-anong bagay upang makasumpong ng simpleng buhay.  Sa pinansiyal, tigilan na ang pag-iisip kung paano yayaman. Kusang darating yan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at duon kayo maglambingan.  Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—‘Wag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos gawin. Sabihin sa sarili, “yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang gawin.  Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag mawawalan ng pag-asa. Paikot-ikot lang ang kapalaran. Mawawalan ng pera, upang bukas makalawa, lalo pang dumami ang  salapi. Sa pag-ibig, magtatampo ang kasuyo upang pagkatapos, lalo pang sumarap ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Blue at silver  ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) Upang—suwertehin iwasang topakin. Sa pag-ibig, batiin ang bawat araw na puno ng pag-ibig ang puso. Sa pinansyal, ngitian ang bawat makakasalubong, isipin mong darating ang panahong maaari mo silang  pagkakitan. Mapalad ang 1, 19, 28, 32, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Violet at orange ang buenas.

Read more...