Kylie nasasaktan kapag naba-bash si Robin, hindi agree sa lahat sa pulitika

PHOTO: Instagram/@kylienicolepadilla
APEKTADO ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa tuwing naba-bash ang kanyang ama na batikang aktor at pulitiko na si Robin Padilla.
Ito ang inamin mismo ni Kylie sa isang panayam na nakabandera sa social media kung saan ay diretsahan siyang itinanong kung na-o-offend ba siya sa tuwing dinudumog ng haters at bashers ang kanyang ama.
“I do. Siyempre, tatay ko ‘yun,” mabilis niyang sagot sa Tatak Pelikula.
Patuloy ng aktres, “Before he became a politician, before he was an actor, he was my dad first so siyempre I do feel for my dad. Ang sinasabi ko sa kanya, ‘Pa, kamusta ka? Kaya mo pa ba? Is there anything you need?’…magaling ‘yung tatay ko mag-focus sa isang bagay kapag may gusto siya, pero kaming mga family niya ang naaapektuhan for him.”
Baka Bet Mo: Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?
“Kaya pa naman niya kapag nakikita namin na, you know –game pa naman siya pulitika then support lang kami,” dagdag pa niya.
Bilang nabanggit na nga ni Kylie ang tungkol sa pulitika, may nag-usisa naman kung sang-ayon ba siya sa mga paniniwala ni Sen. Robin.
“I don’t agree everything [with] my dad,” pag-amin ng anak ng batikang aktor.
Pero paliwanag niya, “But I know my dad eh…kung saan siya nanggagaling and I’m sure naman na he knows himself, so kung ano man ang gusto niyang ipalaban na dapat for him.”
Sinabi rin ni Kylie na hindi ito ang tamang panahon na pag-usapan ito dahil ang kanyang ama pa rin daw ang mas may nakakakilala sa sarili nito.
“Siya ‘yung mas experience kaysa sa akin, mas marami siyang alam, mas matanda siya sakin. He has more wisdom than I do,” sambit ng dalaga.
Magugunita nitong buwan lamang nang pansamantalang humingi ng pagliban si Sen. Robin bilang pangulo ng PDP Laban.
Sa inilabas na pahayag ng partido, si Davao City Vice Mayor-elect Sebastian “Baste” Duterte ang pansamantalang kapalit ni Padilla.
“Layunin ko pong ituon ang aking atensyon sa aking tungkulin bilang senador, lalo na sa paghahanda sa pagbubukas ng 20th Congress,” sey ni Padilla sa kanyang sulat kay PDP Laban vice chairman Alfonso Cusi.
Tiniyak din ng senator-actor na nakatuon pa rin siya sa partido at nananatiling tapat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang chairman ng PDP Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.