Bongbong Marcos tinanggap ang courtesy resignation ng 3 Palace officials

PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos
TINANGGAP ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibitiw sa puwesto ng tatlo pang opisyal ng kanyang administrsyon.
Ito ay sina Presidential Adviser on Legislative Affairs Mark Leandro Mendoza, Presidential Adviser on Military and Police Affairs Roman Felix at PNOC Renewables Corporation CEO John Ray Arenas.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos dismayado rin sa epekto ng K-12, tatanggalin na nga ba?
View this post on Instagram
Kabilang ang tatlo sa mga nagsumite ng kanilang courtesy resignation na hiningi ng pangulo sa mga miyembro ng kanyang gabinete ilang araw matapos ang 2025 midterm elections.
Unang tinanggap ng pangulo ang pagbibitiw nina Ambassador Antonio Lagdameo, bilang Permanent Representative to the United Nations, at Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.