Pacquiao wala pang balak na magretiro

IBINULALAS ni Freddie Roach ang kanilang naging sikreto kung bakit hindi nakaporma si Brandon Rios kay Manny Pacquiao noong nagtuos ang dalawa noong Linggo sa Cotai Arena sa The Venetian, Macau, China.

“We had a great game plan, going to the right, staying away from Brandon’s big right hand. And he (Pacquiao) executed perfectly,” wika ni Roach.

Dahil hindi magamit ang kanyang pamatay na suntok, naging ordinaryong boksingero si Rios at tulad ng naunang sinabi ni Roach, isa na lamang siyang punching bag ni Pacman.

Matapos ang laban ay sarado ang dalawang mata at duguan ang magkabilang kilay nito bilang patunay na pinahirapan siya sa 12 rounds.

“Manny is back, but he was never really gone. He’s a great workhorse and champion,” dagdag ng batikang trainer. Sa panig ni Pacquiao, ang kumbinsidong panalo ay magpapatahimik sa mga nagsabing dapat na siyang magretiro.

“I think I proved myself. I told them it is not my time yet (retirement). My journey will continue, and we will rise again. So thank God for everything,” wika ni Pacquiao.

Tanggap naman ni Rios ang pagkatalo kahit iginigiit na hindi siya nasaktan ni Pacquiao. Pero aminado siyang napakabilis ni Pacman at ito ang susi sa kanyang tagumpay.

“I was never hurt. But what got me was the awkwardness and speed. He got me a couple times with the straight left, that was his best punch. His best punch was his quickness, that’s what it was,” pahayag ni Rios na natalo sa ikalawang sunod na laban.

Saludo na rin ang trainer ni Rios na si Robert Garcia na may 0-2 karta kapag kaharap ni Pacquiao. Naunang hinawakan ni Garcia si Antonio Margarito at bugbug-sarado rin ito kay Pacquiao nang magkasukatan noong Nobymbre 2010.

“He did great. I think we saw the best Pacquiao today,” pahayag ni  Garcia. Pahinga na si Pacman sa taong ito at inihayag ni Bob Arum na sa Abril 12 balak  niyang ibalik sa ring ang natatanging eight-division world champion at ito ay gagawin sa Estados Unidos.

Pero kung sino ang kanyang makakaharap ay kanila pang pag-uusapan. Si Floyd Mayweather Jr. ang siyang isinisigaw ng mga mahihilig sa boxing na itapat na kay Pacquiao pero hindi pa matiyak ito dahil kailangan pang magkasundo ang magkabilang kampo bagay na hindi nangyari sa mga nagdaang taon na sinikap na buuin ang bakbakan.

( Photo credit to INS )

Read more...