Bongbong Marcos dismayado rin sa epekto ng K-12, tatanggalin na nga ba?

Bongbong Marcos at Sonny Angara
KAHIT si Pangulong Bongbong Marcos ay dismayqdo sa naging epekto at resulta ng K to 12 curriculum nitong mga nagdaang taon.
Feeling kasi ni PBBM, parang wala pa siyang nakikita na bonggang-bonggang effect ang pagpapatupad ng K to 12 sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.
Sa interview kay Pangulong Bongbong, nabanggit niya na tila wala namang matinding impact sa mga estudyanteng Pinoy ang naturang sistema upang makakuha ng mga trabaho ang mga nagtapos sa K to 12.
Natanong ang presidente sa kanyang BBM Podcast, tungkol sa suggestion ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na pag-aralan na ang pagtanggal sa K to 12 program.
“It is just expressing the same frustration that I expressed in the first place. It’s costing more for the parents, kasi nadagdagan ng 2 years pa.
“Magmamatrikulasyon pa yan, maraming school supplies, bibili ng libro lahat. Sa 10 years wala naman advantage,” giit ng Presidente.
“Wala naman naging advantage, hindi rin nakukuha sa trabaho. That’s his frustration and that’s also my frustration. So we’ll see what the Congress will do,” aniya pa.
Sa gitna ng mga balita na plano nang tanggalin ang K-12, isinabi ni PBBM na may usapan na raw sila ni Education Secretary Sonny Angara.
“But while the law is still K-12, basta ang sinabi ko kay Sec. Sonny Angara, pagandahin natin nang husto habang nandyan pa yan.
“Kasi ano ang madalas nating marinig, mismatch. Yung skills ko hindi employable. Magaling akong mag-ganito, pero hindi naman nila kailangan ng ganyang klase,” sabi pa ni Marcos.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin daw ang DepEd sa private sector para mabigyan ng mas marami pang oportunidad ang mga nagtapos na ng Senior High School.
“We have partnered with the private sector and to ask them, ano ba ang kailangan nyong skills? Ano ba ang kailangan ninyong klaseng trabahador para ma-employ doon sa inyo,” saad ni Pangulong Bongbong.
Nagsimulang ipatupad ang K-12 noong school year 2012-2013 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.