Basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City nilimithan

Basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City nilimithan

Jan Escosio - June 18, 2025 - 04:38 PM

Basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City nilimithan

MAGPAPATUPAD ng mga limitasyon ang pamahalaang-lungsod ng San Juan City sa pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival sa darating na Hunyo 24, araw ng Martes.

Sinabi ni Mayor Francis Zamora ang kanilang mga paghahanda ay alinsunod sa City Ordinance No. 14, Series of 2025.

Aniya papayagan lamang ang basaan mula ala-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon at magagawa lamang ito sa mga itatalagang “Basaan Zone,” kabilang na sa kahabaan ng Pinaglabanan Road, sa pagitan ng N. Domingo at P. Guevarra streets at sa paligid ng Pinaglabanan Shrine.

Baka Bet Mo: Boy Dila sa Wattah Wattah Festival ipinahahanap ng San Juan LGU

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nakasaad din aniya sa ordinansa na bawal gumamit ng maduming tubig, magbukas ng mga pintuan ng mga sasakyan, pananakit, paggamit ng fire trucks at paggamit ng water sprayer.

Binanggit din ni Zamora na magpapatupd ng liquor ban simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-2 ng hapon ng Hunyo 24.

Diin niya ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 o maaring makulong ng hanggang 10 na araw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending