Zeinab, Bobby Ray umalma sa ‘P20-M wedding’, bakit may paper plates?

Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake
TRUE nga bang umabot sa P20 million ang ginastos nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, Jr. sa kanilang kasal na ginanap sa Crystal Palace of Aquila sa Tagaytay City noong June 1?
Pati nga ang wedding cake ng bagong kasal ay iniintriga na nagkakahalaga raw ng P2 million kaya hindi raw imposibleng milyun-milyon ang inilabas nilang budget para sa kanilang very special day.
Pero ang plot twist – kinukuwestiyon ng mga netizens kung bakit may mga paper plate na ipinagamit sa kanilang mga bisita samantalang milyones daw ang ginastos ng celebrity couple.
Kaya naman sa guesting nina Zeinab at Bobby Ray sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, sinagot nila ang mga intriga at isyung bumabalot sa kanilang engrande at star-studded na kasal.
Unang paglilinaw ng sexy vlogger, “Kaya may paper plate, dahil sa cocktail area. May pika-pika kasi after the ceremony, before mag-fireworks, para hindi naiinip ‘yung aming mga bisita po and magutom.
View this post on Instagram
“Nag-ready kami ng mga pika-pika. So that’s a pika-pika. Hindi siya ‘yung sa reception,” anang content creator. Actually, lahat na lang pinapansin,” ang sentimyento ni Zeinab.
Tungkol naman sa P20 million na ginastos daw nila sa wedding, “Ako talaga nag-comment ako, ‘OA.’ Kasi masyado nilang pinapalaki.
“Even the cake, naging P2 million na hindi naman po talaga. And hindi po umabot ng P20 million ‘yung wedding namin,” sey pa ni Zeinab.
Para naman kay Bobby Ray, “To be honest, na-humble po ako and blessed at the same time kasi po ganu’n po na po kataas ang tingin nila sa amin.
“Pero ‘yun nga po, hindi naman gumastos ng P20 million po. Pero blessed kami na na-present namin ‘yung elegance and ‘yung wedding na ganu’n at saka standard.
“Happy wife, happy life!” chika pa ng basketball player.
Ayon pa sa bagong kasal, blessing daw ang location at set design ng kanilang wedding kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng kanilang principal sponsors, buong entourage at invited guests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.