Vice ibinuking ginawa ng parents ng fiancée ni Ryan sa resto

Vice ibinuking ginawa ng magulang ng fiancée ni Ryan Bang sa loob ng resto

Ervin Santiago - June 18, 2025 - 12:10 AM

Vice ibinuking ginawa ng magulang ng fiancée ni Ryan Bang sa loob ng resto

Ryan Bang, Paola Huyong at Vice Ganda kasama ang kani-kanilang pamilya

PURING-PURI ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang mga magulang ng fiancée ni Ryan Bang na si Paola Huyong.

Naikuwento ng TV host-comedian sa madlang pipol ang inspiring at kilig-kiligang kuwento nang makasama niya si Paola at ang parents nito.

Sa segment ng “It’s Showtime” na “Step In The Name of Love” nabanggit ni Vice na nag-treat si Ryan sa kanyang pamilya, pati na sa family ni Paola noong Mother’s Day sa isang restaurant.

Natuwa raw si Vice Ganda sa ginawa ng tatay ni Paola sa asawa nito, “Magka-back-to-back ‘yung table namin nu’ng family ng girlfriend ni Ryan.”

“Tapos biglang narinig ko ‘yung tatay, bago bumati ng Happy Mother’s Day du’n sa mommy ni Paola, may speech muna siya. Ang dami niyang sinabing magaganda, parang biglang may renewal of vows.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan (@ryanbang)

“Parang, ‘we’ve been together for…’ ganu’n, tapos may sinasabi siyang magagandang katangian nu’ng asawa niya.

“Tapos nagpapasalamat siya sa mga magagandang pinagsamahan nila. Tapos binigyan niya ng bulaklak ‘yung asawa niya, tapos nag-kiss sila sa lips, tapos nagpalakpakan kami,” tuluy-tuloy na chika ni Vice.

Sey ng komedyante, nakakatuwang malaman na may mga tao pa rin na hindi nagbabago sa pagpaparamdam ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga partner.

Dagdag pang pahayag ni Vice, “Ang ganda. Magandang makita na hindi binabago ng edad o ng panahon ang pag-ibig.

“May mga taong, they will make sure na kahit tumanda sila, hindi mababago ‘yung pamamaraan nila ng pagpaparamdam ng pag-ibig sa isa’t isa,” saad pa ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending